Chapter 37: Dinner Date

926 42 1
                                    

Chapter 37: Dinner Date

- Third Person's POV -

Mayroong date sila Trevor at Yssa. Naghanda si Trevor ng todo dahil para sakanya ito na ang pinaka iintay niyang oras. Siya mismo ang naglagay ng dekorasyon sa pagkakainan nila ni Yssa dito sa rest house isang rest house nila sa Tagaytay. Pati pagkain na ihahanda siya ang namahala, music, at marami pang iba. Mayroon din siyang inassign para mag ayos kay Yssa.

Sa dinner place nila ay abot tanaw ang taal lake at mga lights ng Tagaytay City. Sa mga puno at shrubs may nakalagay na christmas lights. Sa paligid ay puno ng tulips specifically red tulips at may mga roses din na naka kalat sa bermuda grass.

Mga 6:30 na ng dumating si Yssa sa venue. Hindi niya alam kung saan ito dahil mula sa condo niya kung saan siya inayusan ay nakapiring ito.

"Andito na po tayo Miss" at inalis na niya yung piring sa mata niya. Wala siyang nakita kundi malalaking puno. Wala ring ilaw doon at nagsilbing ilaw niya lang ay ang liwanag ng kanyang phone.

"Sure ka bang dito ako kikitain ni Trevor?" Tanong niya sa driver

"Yes Miss dito po talaga" at lumakad na ito at sumakay sa kotse at pinaandar ito

"Wait lang kuya!" Sigaw ni Yssa pero hindi huminto ni Manong Driver

May nakita siyang sign na may naka lagay "This Way" kaya sinundan niya ito

Every step ni Yssa sa stone na lakaran, umiilaw ito at sa gilid naman ay may na be-burst na colors, color fountain. At ng matapos niyang lakarin ang lahat ng bato napatingin siya dito, ang ganda! Ang colorful tignan! Sinalubong siya ng isang violinist na naka smile pa habang tumutugtog.

Nang maka apak siya sa main na dinner place nila ni Trevor, hindi niya mapigilang mapangiti ng abot tenga dahil masyado siyang nagandahan. Maganda na nga ang nakita niya, mas maganda pa dito sa loob. Walang exact words ang makakapag describe dito. Lahat na ng papuri maibibigay kay Trev dahil siya lahat ang nag isip at gumawa nito.

"Thank you Bestie! Super napasaya mo ako" tapos yinakap ni Yssa si Trevor

"I'm glad that you like it"

"No, I don't like it Trev, I love it"

"Let's eat" yaya ni Trevor

Inalalayan ni Trevor si Yssa sa pag upo at inihainan pa nito ng pagkain si Yssa.
Habang sila ay kumakain ay nag kwe kwentuhan sila with classical music background. Ang ganda ng ambiance ng lugar, perfect para sa kanilang dalawa.
Binigay na rin ni Trevor yung Bouquet of red tulips pagkatapos nilang kumain

"Yssa come here" sabi ni Trevor at agad namang lumapit si Yssa.

Andito sila ngayon sa viewing deck para tignan ang view. Nasa taas kasi sila ng bundok kaya kitang kita ang view sa baba.

"Wow! Ang ganda" sabi ni Yssa na manghang-mangha

Nag snap si Trevor. Tinuro niya yung langit at Wow ulit ang nasabi ni Yssa. Wow na wow! Ang ganda ng fireworks at merong red tulip formed na fireworks. Matagal ding nag lapse yung fireworks display. Nung matapos ang fireworks display hindi na naka pagsalita si Yssa dahil sa sobrang saya niya. Yinakap na niya lang si Trevor.

Si Trevor naman ay naghahanda sa major event sa dinner date nila at sa tingin niya ito na ang pinaka tamang oras.

"Yssa..." Sabi ni Trevor na nakatitig lang kay Yssa

"Hmmm"

"Noong nasa US pa tayo at noong pinayagan mo akong manligaw sayo, napaka saya ko. Alam mo bang naiingit ako sa mga older couples na through the years they are happy and still madly in love with each other"

"Yes, nakaka inggit sila"

"Yssa..."

"Oh Trev?"

"Yssa, can we be like those older couples?"

Hindi naman engot si Yssa kaya na gets niya agad ito

"Trev..."

-----------------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

The Nerd Boy's Love [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon