SamIt has been a year since my last heartache. Pero hindi ko pinagsisihan na nasaktan ako. Siguro dahil saksi ako sa isang love story na karapat dapat sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. Si Doc JC Ibarra parin ang Chief of Surgery hanggang ngayon simula nung pinasa sa kaniya ni Doc Janine Ibarra ang posisyon. They're also happy with a baby boy.
My duty now is at the ER night shift. Hindi kase makakapasok si Doc Bustamante kaya ako muna ang sasama sa mga interns na nakaduty. Nagbabasa ako ng drug handbook habang hinihintay ang ambulansyang maghahantid ng pasyenteng tinawag nila na naaksidente daw. Vehicular accidents are very likely during the night. Kaya naman nakita kong hinahanda na ni nurse Vana iyung mga gagamitin mamaya. Some emergency equipments are already prepared bedside. Pinahanda ko na din iyung intubation set na gagamitin ko kung sakali mang masbumaba pa ang GCS scoring ng pasyente.
" Doc Sam, magpapatawag po ba ako ng iba pang nakaduty na Consultant?" Tanong sa akin ni Vana habang inaayos ang intubation set.
" Hindi na. Hindi ko pa masyadong kilala iyung bagong doctor pala na nakaduty ngayon" I told her. Nakita ko kung paano mapangiti si Vana.
" Ah si Doc Nathan Montenegro ba kamo doc? Mabait iyun, anak ni Doc Vince Montenegro. Magaling at guwapo" She said but I am not into that new doctor. If I know, baka mayabang at mahangin lang din iyun dahil galing ng ibang bansa.
" Si Doc JC parin ba?" Napatingin na ako ngayon kay Vana at tipid na ngumiti.
" Matagal ko ng pinakawalan si Doc Ibarra. It's just that I am not yet ready to open up my heart to someone else." Tanging wika ko kay Vana na ngayon ay parang talagang pinag-iisipan ang mga sinabi ko.
" Ewan ko ba may sumpa ata ako sa pag-ibig. Lahat nalang hindi para sa akin. I am not self-pitying. Ayoko lang sigurong sumugal ulit" Dahil sa huli, hindi rin lang ako ang pipiliin. I am contented with being single atleast masnatututo akong mahalin ang sarili ko.
It took us minutes talking when I saw a figure walking towards us. He seems to look so much like Doctor VA Montenegro. Masguwapo pa ito at masmatipuno ang katawan. Parang artistahin ang dating.
" Doc Luke!" Ani ni Vana. Tumango ang Doctor sa kaniya at tumingin sa akin.
I also looked at Vana.
" You called for me?" Bungad niya sa akin. Napako ang tingin ko kay Doc Luke at pabalik kay Vana. His voice is a mixture of authority and coldness at the same time. Ayoko ng ganyang style, hindi approachable at matatakot lang ang mga interns sa kaniya kung ganiyan siya magsalita.
" Ah Doc Luke, si Doc Sam nga pala. Doc Sam, si Doc Luke" Pakilala sa aming dalawa ni Vana.
I crossed my arms infront of him and spoke firmly.
" I did not call for you" Matapang kong wika. Ngumisi ito sa akin. I looked at Vana who seemed like about to laugh but trying to suppress it. This is how she does it, pasimpleng seryoso pero alam kong tawang tawa na sa loob. Been with her for years now, pero hanggang ngayon ewan ko ba at kumukulo parin ang dugo ni Doc Ibarra sa kaniya.
I told her there's no need to call for another physician but knowing Vana, she has her own mind.
" Uy diba Doc, sabi mo call the new consultant now na! Kaya ayun tinawagan ko si Doc Luke and iyun na nga Doc Sam, he's here already infront of you." Paliwanag ni Vana sa kaniyang kasinungalingang nagmukhang totoo dahil sa maayos at kapanipaniwala niyang pagsalita.
I did not speak already. There's no point of doing that now. I might need him. I cannot rely on my interns dahil isang buwan palang silang nakaduty. They also need to learn.