Chapter 12

61 2 0
                                    

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Red nang lumayo bigla si Marco sa kanya. Akala niya talaga ay hahalikan siya nito sa labi ngunit hindi pala. May kung anong paghihinayang siyang naramdaman sa kanyang kaloob-looban. Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil doon.

"Where are you going?" hindi niya mapigilang magtanong nang akmang bubuksan na ni Marco ang pintuan.

Napatigil ito. "None of your business" malamig nitong tugon at tuluyan ng lumabas.

Agad naman tumaas ang kanyang altapresyon pagkarinig sa sinagot nito sa kanya. Ang bastos lang talaga. Nagtatanong lang naman siya ng maayos tapos sasagutin lang siya ng ganun-ganun lang?

Bwisit talaga!

Nayayamot na humiga si Red sa kama. Sana nga ay huhupa na ang ulan kinabakusan nang makabalik na sila sa Islab del Diosa. Ayaw niyang makasama ulit si Marco kahit kailan. 

She just couldn't stand the likes of him. 

Kung tutuusin ay may pagkapareho sila ng pag uugali ni Nikos, except Marco had a very sharp feature that made him looked scarier and very mysterious; while Nikos possessed a boy next door persona which made him approachable by many. 

Kaya siguro nahulog kaagad ang kanyang damdamin para kay Nikos sa kabila ng pagiging arogante nito sa kanya dati. He always had this boyish but playful grin on his face that could easily melt a girl's heart, and that included hers. 

A bitter-sweet smile came across her lips when she started remembering her ex-husband. After four long years ay mahal niya pa rin ito. 

Mahal na mahal. 

Humihikab pa na lumabas si Red ng kubo. Hindi siya masyadong nakatulog kagabi dahil maya-maya ang kanyang pag-gising. Ayaw man niyang aminin pero hinintay niya talaga si Marco na bumalik kagabi.

Ngunit hindi na bumalik pa ang binata. Kung saan man ito nagpalipas ng gabi ay hindi niya alam.

Napahinto sa paglalakad si Red nang mahagip ng kanyang mga mata si Marco. He wasn't alone though. Kasama niya ngayong nag-aalmusal ang chinitang kasama nito kagabi.

Kung titingnan niya ang dalawa ng maigi ay hindi maikukubling may namamagitan na sa kanila ng higit pa sa pagkakaibigan. Both of them seemed to be very intimate with each other. Malamang ay may nangyaring chukchakan sa kanila kagabi.

Huh! Agad pinaikot ni Red ang kanyang mga mata sa kawalan. Napakaaga pa, para makaramdam siya ng pagkainis.

"Isn't it too early to be frowning right now?"  awtomatikong napalingon si Red sa nagsalita.

She let out a frustrated sigh upon seeing the guy's face.

Imbes na sagutin ito ay dinedma niya na lang ang presensya nito. Agad niya itong tinalikuran and headed to the buffet area where breakfast was being served.

"You're really a snob, aren't you?" napatigil sa pagsasandok ng pagkain si Red nang marinig niya ulit ang lalaki sa kanyang tabi.

And for the second time, she chose to ignore him again. She's got no business with him so why would she bother replying?

"Try this" bigla nalang nilagay ng binata ang isang putahe na she wasn't familiar with.

She immediately looked at him, horrified. Hindi naman sa nag-iinarte siya pero kasi the dish really looked like a puke.

"W-What are you doing?!" bulalas niya dito.

"I'm recommending this dish for you to eat. Just try. It is very delicious. One of my faves so far" nakangiti naman nitong tugon sa kanya. Abot tainga pa nga ang ngiti nito.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon