Chapter 6

70 4 0
                                    

"That's my boy!"

Matamang pinagmamasdan ni Red si Nikos na nakikipaglaro sa anak nito. Ang totoo ay lalabas sana siya papuntang Rancho ngunit may narinig siyang hagikhik ng bata mula sa likuran kaya't lumiko siya ng daan.

He looked very happy watching his son playfully dribbling the ball. Kamukhang kamukha niya ang anak. Chianna was very lucky. Nasa kanya ang buhay na pinangarap ni Red noon with Nikos.

Pangarap ni Red na bumuo sila ni Nikos ng sarili nilang pamilya. Pinangarap niyang maging ulirang may bahay ng nag iisang Nikos Alexandrus. She even tried to learn how to cook, just to make the life she had been dreaming of happened. Ang dami niyang pinangarap na nauwi sa wala.

Nikos was the love of her life.

Mahal na mahal niya pa rin ito hanggang ngayon. Ngunit kasal na ito sa iba. Asawa na siya ng ate Chianna niya. Napabuntong hininga na lang siyang napatitig dito.

Nikos will never be hers again.

Lilisanin na sana niya ang lugar nang aksidenteng naihagis ng bata ang bola papunta sa kanya. Bahagyang nagulat si Nikos pagkakita sa kanya. Kumunot ang noo nito na para bang kasalanan niya pa kung bakit siya naroon. Pinulot niya ang bola at ibinigay sa bata.

"Here" she handed the ball to little Izaac with a smile on her face.

Nilingon nito ang ama, waiting for his go signal so he could accept the ball from her. Tinanguan ni Nikos ang anak kaya't tinanggap ng bata ang laruan.

"T-Thank you po" ani nito sa maliit na boses.

Red found the little boy so cute that she unconsciously held him in her arms.

"Ang cute cute mo naman" kinarga karga niya ito at iniikot ikot. Humagikgik ng husto ang bata sa kanyang ginawa.

She only stopped when someone cleared his throat. Agad pinamulahan si Red. Nakalimutan niya tuloy na nasa iisang lugar lang silang dalawa ni Nikos.

"S-sorry" hinging paumanhin niya at binaba ang bata.

"It's okay" he replied without looking at her. Sinundan nito ng tingin ang anak na ngayo'y tumatakbo, dribbling the ball towards the ring. 

"Ang laki na niya" panimula ni Red, trying to be friendly.

"Yes, makulit na" ngumiti ito, habang pinagmamasdan pa rin ang anak.

"I-I'm happy for you, Nikos" halos pabulong lang ang pagkasabi niya. Napalunok pa nga siya.

"Are you, really?" this time ay sa kanya na ito nakatitig. His eyes were full of emotion again. It made her so overwhelmed, which caused her not to say any word, but to stare at him in return only.

Red noticed that her heart wanted to get out of her ribs. Natatakot siyang gumalaw o magsalita dahil baka tratraydurin lamang siya ng kanyang sariling katawan, isip at bibig. Kaya't minabuti niya na lamang ang makipagtitigan kay Nikos.

"Because I am not" sabi nito pagkatapos ng ilang sandali. Parang kinurot ang puso ni Red nang mahimigan niya ang boses nito na puno ng lungkot. "I'm only getting strength from my child, Vhiolette"

"I d-don't know what to say" napayuko siya. Her eyes were starting to heat up.

Hindi niya kayang makita si Nikos na nahihirapan. It was very hard for her as well. They probably just needed to get adjusted with their new situation. Hindi pa siguro sila sanay na makasalamuha ang isa't isa bilang mag ex.

"Sige, Nikos ha. I'll go na. Nice talking to you" she gave him a smile. Her sweetest smile.

Masaya siya sa ideya na nakapag usap sila ng maayos. Yung hindi nagbabangayan at nakikipag sarkastiko sa isa't isa. Yun bang casual lang.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon