Chapter 9

50 2 1
                                    

Hapon na ng magising si Red. Hindi niya alam na nakatulog pala siya. Bumalik din si Marco pagkatapos nun at inilalayan siya hanggang siya ay kumalma. Hindi man niya aminin ay na-appreciate niya talaga ang ginawa ng lalaki and because of that, she should find him and thank him. Kahit ngayon na araw lang ay handa siyang makipagceasefire dito.

At the back porch ay nadatnan niya ang ibang mga tiyahin niya. Nagtatawanan ang mga ito at nagsusunbathing pa ang iba. Perhaps, to get the tan skin. Ang mga bata naman ay masayang nakikipaghabulan sa isa't isa with nannies on the watch and ready to rescue.

"Must be nice to be born with a silver-spoon in the mouth" komento niya at ngumiti. Nilingon siya ng mga tiyahin.

"Really? Sa ating lahat kayong dalawa ni Spencer ang pinakamaswerte" sagot agad ni Eliana sa kanya. Bakas sa mukha nito ang labis na saya.

Her eyes were shining brightly. Marriage life had been good to her. She must be very happy to be married with her first love--- Zekero aka Nikos friend. May magandang naidulot din talaga ang kanyang pag alis noon.

"Nah. We are all equal here, ate" pagtatama ni Red kay Eliana at umupo sa tabi nila.

"Anong equal ka diyan. Never tayong maging equal nuh. Your kuya Franz's daughter, remember that. Your dad is a freaking billionaire" ani Chiara na tinaasan siya ng kilay.

Unlike Eliana, Chiara's eyes were full of sadness. Yung bang may kung ano siyang hinihintay na hindi pa dumadating. Must be the father of her children. Ang balita niya kasi ay naghiwalay sila nung lalaki before niya nalamang buntis siya. Pero kahit ganun, masaya siya sa buhay niya dahil sa kanyang mga kambal.

"Correction po mga ate, si papa lang po ang billionaire, not me" natatawa niyang sagot sa lahat. Totoo din naman.

"Aysus, ayan ka na naman. You're the heiress, duh. Di katulad samin na marami kaming mga kapatid na maghahatian" this time ay si Samantha na ang nagsalita.

"Kaya nga" pagsang ayon naman ni Maria Elaine. "Kuya Franz managed to build his own business kasi. Plus, mana pa niya from the family's inheritance. See that, Red? You're the luckiest kid, darling. Kayong dalawa ni Spencer. So don't you dare tell us that it must be nice to be born with a silverspoon in the mouth, because you are beyond that" pagpapatuloy pa nito na akala mo ay naiinis pero may ngiti naman sa mga labi.

"Fine. Ang hahaba ng mga sinabi niyo. By the way, mukhang si Stacey lang ang wala dito ah"

"She went with Gino sa down town. Alam mo naman yun. Panay buntot sa lalaki niya akala mo naman may maaagawan. Naku!" medyo naaalibadbaran na wika ni Samantha patungkol sa kanyang nakababatang kapatid.

"Ate Sam, ang gwapo po kasi ng bestfriend ko" tukoy ni Red sa pinakamatalik na kaibigan.

"Ewan! Gwapo nga, ang manhid naman tapos bulag pa. Dati gusto ko siya for Stacey ha pero ngayon hindi na. Tanga lang talaga tong si Stacey"

"Hayaan mo na Sam, ganyan talaga ang in love. Kahit anong advice natin sa kanya, puso niya pa rin ang masusunod. All we can do is to be there for her. Yun lang" pagtatangol ni Eliana kay Stacey.

"Heh! pagtanggol mo pa. Nakakarelate ka kasi. Ikaw yata ang idol nung kapatid ko na yun"

Napapangiwi nalang si Red sa palitan nina Samantha at Eliana. Kahit kailan talaga ang bibig ng ate Sam niya ay walang preno kung makapagsalita minsan. Daig pa nito ang nakikipag debate sa Senado. Totoo din naman yung sinabi ni Samantha na si Eliana ang labis nakakaintindi sa sitwasyon ngayon ni Stacey.

She never gave up on Kero until she got him back again which was the reason why she was rooting for Stacey now. Pasasaan ba at magkakaroon din ng magandang bunga ang mga pinaghirapan ni Stacey. Only if Gino would stop for a second and open his heart. He could definitely find the right answer.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon