Chapter 17

59 2 0
                                    

Namimilipit sa sakit ng ulo nang magdilat ng mata si Red kinaumagahan. Nagising siyang napakabigat ng kanyang katawan. Pati sikmura niya ay gusto pang bumaliktad.

"Ouch!" nasapo niya ang kanyang ulo sa sakit. Sinusumpa niyang hindi na siya maglalasing kahit kailan!

"Good, you're awake.." biglang naidilat ni Red ang nakapikit pa niyang mga mata ng marinig ang napakamilyar na boses ng taong kanyang iniiwasan.

"W-What are you doing here?" nagtatakang tanong niya sa binata, looking so fresh this morning.

Marco snorted. "It's my own place. You should be grateful"

Panicking, Red automatically widened her eyes. Mabilis niyang inikot ang paningin sa paligid. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang matanto niyang hindi niya condo ang inuwian kagabi.

Ano bang ginawa niya at bakit siya napadpad sa condo ni Marco?! Of all people she knew, she unluckily  ended up resting at Marco's place!

Ang tanga talaga!

"I.. I don't know how, b-but I'll leave now" nagmamadaling tinalikuran niya ang binata ngunit agad siyang pinigilan nito.

"You might need to get freshen up" nahihiyang napayuko si Red nang titigan siya ni Marco mula ulo hanggang paa.

"Ouch!" napaimpit siya sa sakit ng ulo. Halos sabunutan na niya ang kanyang sarili.

"Here, let me help you" agad siyang inialayan ni Marco pabalik sa kwarto.

"T-Thanks" nag-aalagan man ay nagpapasalamat pa rin siya sa binata. "How did I end up here? I don't remember any details"

"I brought you here" kaswal na sagot lang ni Marco sa kanya habang naghaharumintado na ang kanyang kalooban.

"B-But how?"

"Here, take this" imbes na sagutin siya ay inalalayan siya nito para makainom ng gamot. "You're hang over should subside in a little bit. Magpahinga ka muna. I'll get you some food. You need to eat" tumango nalang si Red sa sinabi ng binata.

Wala siyang lakas na loob makipag-away dahil para talagang mabibiyak ang kanyang ulo. Hindi niya akalain na ganito pala kapurwisyo ang magagawa ng alak sa katawan ng tao. Lalong lalo na sa kagaya niyang first time maglasing ng husto.

Hapon na nang maisipan niyang lumabas ng kwarto. Nawala na rin ang hang over niya at tapos na rin siyang maligo. Sapat na siguro ang nakuha niyang pahinga para umuwi. Paniguradong hindi na siya kukulitin ng kanyang ina sa kakatanong kung anong ginawa niya buong magdamag at hindi siya nakauwi. 

"Hey, hey, calm down, please..." napalingon bigla si Red kay Marco na nakasandal ngayon sa kitchen counter. Mukhang may kausap ito sa phone at parang nag-aalala pa ito. "Don't worry, I'm on my way. Yeah, yeah. See you in a little bit. Bye...."

"Hi.." mahinang bati niya dito ng magkasalubong ang kanilang mga mata. Nakita niyang natigilan sandali ang binata at hinagod siya ng tingin. 

Red bit her lower lip due to the awkwardness she had started to feel. 

"How are you feeling?" agad na tanong ni Marco sa kanya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito at ngayon  ay nagiging rason na naman ito para siya ay panginginigan ng tuhod. 

This man is just so unbelievable.

"I'm fine.. Nawala na yung hang over ko" 

"Good" ani Marco, nodding his head in relief. "Are you leaving now?''

"Ah, yeah.. I'm sure ay hinahanap na ako sa amin... kagabi pa yata" pagak na ngumiti si Red. Nais niyang palakpakan ang sarili dahil nakayanan niyang maging civil kay Marco. Not bad.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon