Chapter 5

70 3 3
                                    

Isang linggong hindi lumabas si Red sa kanyang kwarto. Nagpapahatid lamang siya ng pagkain kapag meal time na. Wala siyang balak makita ulit si Marco after that day. Hanggang ngayon kapag naiisip niya ang nangyari ay tila kiti-kiti siyang napapagalaw sa kama niya. Hindi maikakailang napahiya talaga siya noon ng sobra sobra!

Napapasuntok siya sa unan, maalis lamang ang inis na kanyang nararamdaman. No matter how much thought she put into it, ay hindi niya pa rin naiintindihan ang nangyari.

Arggghhh!

Naturingan siyang matalino pero bakit feeling niya ay nawawala lahat ng iyon, kapag si Marco ang kaharap niya?! What kind of black magic did he use to make her dumb and katawa tawa?!

She was not functioning right, and that's what she noticed. Kaya minabuti na niya lamang na iwasang makita ang binata. Baka kung ano pang katangahan ang magagawa niya ulit at baka ika depress niya pa ng tuluyan.

Hindi siya worth it!

Maya-maya pa ay narinig niyang bumukas ang pinto at agad nagsalita ang napakagaling niyang kambal.

"How long are you gonna stay in your bedroom?" tanong agad nito, sabay talon pahiga sa kama ni Red.

Hindi niya ito pinansin, at pinagpatuloy ang pagsubsob niya sa kanyang mukha sa unan. She could stay in her bedroom forever, kung kinakailangan. Sanay naman siyang mapag isa.

"Come on, sis. It's been a week. Labas labas din pag may time" ani pa nito na ngayo'y ginugulo ang buhok niya.

"Go away, Spence! I'm not going to!" sagot ni Red.

"But, I'm bored"

"Go with our uncles. Do whatever. Just leave me alone" ani Red, na nagsisimula ng mainis sa kakambal.

"I already did. Pero alam mo namang ikaw ang pinaka close ko sa lahat. Please? Just be with me all the time, if you don't want to see your ex"

She groaned at Spencer's last sentence. Kung hindi binanggit ng kakambal niya ang tungkol kay Nikos, ay hindi niya ito maaalala. Nitong mga nakaraang araw ay busy siya sa kakaisip kay Marco at kung gaano siya kainis dito.

"Please, please, please????" halos mahilo siya sa pagyugyug sa kanya ni Spencer.

"Stop it, Spencer! Lumabas kang mag isa mo. Basta ayoko!" siniko niya ito, trying to stop him from annoying her.

"Goodness! Why did you come back kung magkukulong ka lang dito sa kwarto? Baka isipin ng Nikos na yun na affected ka pa sa kanya" kunot noong wika ni Spencer.

He wanted Red to start facing people more often. Napaghahalataan tuloy itong umiiwas. She could still avoid him, pero dapat yung hindi masyadong halata.

Nang hindi umimik ang kakambal ay umiral nalang ang kapilyuhan sa utak ni Spencer. Napangisi pa nga siya sa kanyang naiisip. He was pretty sure that it would make Red get out of the bed.

Dahan dahan siyang humiga muli sa kama ng kakambal. Nakatalikod pa rin ito, with her face burried on the pillow. Ayaw talaga magpaistorbo!

"Come on, little princess ni kuya. Let's go out" lambing pa ni Spencer ngunit sinungitan lang siya ng kakambal.

"Fuck off, Spencer!"

"Fine! You left me no choice but to do this"

In just a second, Spencer managed to take the pillow away from Red and licked her face, like he was some kind of a puppy. Mabilis niya ring inalis sa kama ang sarili at malademonyong ngumisi sa kakambal.

Shocked and grossed out, Red's face suddenly looked like she wanted to murder Spencer right there. Mabilis siyang napabangon at agad hinabol ang kakambal na ngayo'y nakatakbo na palabas ng kanyang silid.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon