Chapter 19

41 3 0
                                    

Biglang bumagal ang takbo ng mundo para kay Red at parang ayaw pang iabsorb ng kanyang utak ang katotohanan na baka posible.

"No.." she said hopelessly.

Nakatitig pa rin siya kay Marco na ngayon ay nagbaba ng tingin at itinuon ang atensyon sa kanyang tiyan.

Wala sa sariling napahawak si Red sa bahaging iyon ng kanyang katawan.

"When was your last menstruation, Red Vhiolette?" tanong ulit sa kanya ni Marco.

Hindi pa rin nito nilulubayan ng tingin ang kanyang tiyan.

"A-Almost two months ago" sagot niya sa nanginginig na boses. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon.

Nakita niyang napalunok si Marco at umigting ang panga. Marahil ay kinakabahan din ito sa posibilidad na maaaring may nabuong sanggol sa kanyang sinapupunan simula nang may nangyari sa kanila.

"When did you start feeling sick?" lumapit ito sa kanya, hinawakan ang kanyang baba at itinaas ito.

He was looking at her eyes this time which almost got her lost. Once again, this man was too much for her to take. Definitely a sight to behold.

"L-Lately lang" ani Red na nakipagtitigan din kay Marco.

"Your family doctor is on her way here" pahayag nito na kaagad naman niyang binigyan ng reaksyon.

"No, no.." umiling siya. "I can't let them find out if it's positive" medyo histerikal niyang saad.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napaigting ng panga si Marco. Nakakunot din ang noo nito na para bang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.

"When the doctor gets here, your family will  find out" mas malamig pa sa yelo na pagkakasabi ni Marco.

Para bang wala itong pakialam kung malaman man ng lahat ang kanilang ginawa.

Hindi pwede. Sigaw ng kanyang kalooban. She didn't want her family to know. Maraming masasaktan.

Masasaktan niya ang kanyang pamilya sa katangahang ginawa niya. She would bring nothing but a disgrace to their whole clan.

"Marco, please?" pagmamakaawa niya, as if her whole life depends on him.

Dinala siya ni Marco sa isang napakagarbong bahay sa Forbes Park. Buti nalang at pumayag din ito sa pakiusap niya kanina. Napilitan  man pero pumayag pa rin ito. Because of that, she was thankful.

"You can take a rest here" ani Marco matapos siyang samahan umakyat sa taas at pinapasok sa isang magarang kwarto.

"Bakit mo ako dito dinala? Who's place is this?" hindi mapigilang tanong ni Red.

Iginiya niya rin ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid. The california king bed was the highlight of it all. It looked so cozy, comfy and very inviting.

"It's my house" napatingin siya bigla sa binata.

Hindi niya sukat akalain na maaafford ng isang katulad ni Marco ang bahay na ito. Not to mention at Forbes Park.

Red knew he's rich but definitely not that rich. Ang alam niya lang ay si Nikos talaga ang pinakamayaman sa kanilang lahat.

Dito sa Forbes Park din kasi ang bahay nila ni Nikos dati pero binenta din nito pagkatapos nilang maghiwalay.

"Okay. Thank you for saving me earlier" tukoy niya sa pagpapaliwanag ni Marco sa kanyang pamilya kanina.

He had to make some excuses for her kanina and luckily, everyone seemed to buy it. May ibang nag volunteer na gustong sumama kanina like Chiara, Samantha, Gino and kuya Ja niya pero she declined all of them.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon