Chapter 8

61 2 0
                                    

"You okay?" pukaw sa kanya ni Spencer.

Tila tulala pa rin siya sa nangyari kanina. Marahan siyang tumango sa kanyang kakambal. She did not bother looking at him. Instead, she continuosly focused her eyes outside.

Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay tanaw niya ang mga alon sa dalampasigan na parang nakikipag unahan ng hampas sa isa't isa. Tunay nga'ng kay ganda pag masdan ng karagatan, sa malayuan man o sa malapit. Ngunit ang ganda nito ay may kaakibat na panganib. Nararapat lang na mag ingat ng kahit sino man.

I will never enjoy the ocean the same way again.

"Did they know?" tanong niya pag laon kay Spencer.

"Mom and dad? No. I did not bother telling them. Already informed everybody as well, to keep the incident a secret"

"Huh!" napabuga siya sa kawalan. "Talagang pinaninindigan mo ang pagiging cupid sa parents natin?"

"At least, I'm trying" pagdadahilan pa nito na siyang hindi sinang ayunan ni Red.

She thought it was a very ridiculous idea. Spencer should have just left their parents alone. It might complicate things in the future, which was totally a not good situation to look forward to. Sarap lang sapakin.

"Oh by the way, Marco saved you"

Naipikit ni Red ang kanyang mga mata. Hindi niya gusto ang narinig. Alam niyang dapat siyang magpasalamat pero bakit parang kumukulo yata ang dugo niya sa katawan? Ganito ba talaga siya kaasar sa binata?

"Your ex almost saved you too, but Marco got you first" dagdag pa ni Spencer na siyang ikinasakit tuloy ng kanyang ulo.

"I see" malamig niyang tugon dito.

"Are you disappointed?"

"Disappointed for what?" kumunot ang noo ni Red sa biglaang pagtanong ni Spencer.

Ano na naman ba ang iniisip ng punyetang Spencer na ito?!

"That, Nikos didn't get you first?" tinaasan siya nito ng kilay, looking like he wanted to confirm something.

"My life was in danger just a while ago. Do I look like I really care too much of who is who right now?!"

"Relax, twin. I was just asking. No harm done" he then smiled at her devilishly.

"Just get the fuck out of my room!" singhal ni Red dito.

Tila nakakabinging katahimikan ang nakapalibot sa kanya nang lisanin ni Spencer ang kanyang silid. It made her so scared to think. Hindi niya gustong mag isip nang kung ano pa man.

Napabalik ulirat si Red nang may kumatok sa pintuan. She didn't realize she spaced out that long. Her and her crazy thoughts nga naman.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay dahan dahan siyang bumangon. Ayaw niya man ay wala siyang magagawa. She still needed to show some courtesy to whoever was knocking her door.

"Nikos!" di makapaniwalang sambit niya sa pangalan ng kanyang dating asawa na ngayo'y nakatayo sa labas ng kwarto.

"M-may I come in?" nag iwas ito ng tingin sa kanya and showed her the tray of food that she didn't notice.

Pinagbuksan niya naman ito ng pinto at pinapasok sa loob. Agad naman nilapag ni Nikos ang tray sa bedside table niya. Tila mas nakakasakal na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.

"H-how are you?" tanong nito na hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanya.

"Fine. Thanks for the food. Nag abala ka pa" she said, trying to lighten their atmosphere. Masyado kasing tensyonado.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon