Chapter 16

45 3 0
                                    

Ramdam ni Red na pumupungay na ang kanyang mga mata at namumula na rin ang kanyang mga pisngi dahil sa ilang baso na ng alak ang kanyang naitungga. Hindi niya lang kasi mapigilan ang sarili. Nikos wouldn't even leave her alone. He just kept on watching her every move.

"You're missing one" puna ng ate Sam niya sa mga kaibigan ni Nikos na kakarating lang.

"You mean, Marco? napangisi ng pilyo si Jaspher sa kanyang ate Sam.

Alam din yata ng binata na may paghanga ang isang Samantha del Diosa de Jesus sa kaibigan nitong walang attendance sa gabing ito.

"Sino pa nga ba?" Samantha shook her head sabay inom ng kanyang lady's drink.

Tipsy na rin ito at kanina pa pabalik-balik ng dance floor. Tanging si Red na nga lang at si Rothschild ang hindi pa sumasayaw sa kanilang lahat.

Chianna and Nikos went once already and got their married couple moment. Huh!

Napangiwi si Red sa kanyang pagiging bitter. She should be happy.

"Actually, Marco is here" rinig niyang pahayag ni Zekero na katabi ngayon ang ate Eliana Marie niya.

Another married couple in the group tonight. Well, sana lumigaya sila habang buhay!

"What?!" Samantha shrieked which made everyone laughed. Parang teenager lang na nagpapanic dahil sa kanyang crush. "Where is he?"

Napabuga naman sa hangin si Red habang naririnig ang usapan ng kanyang mga kasama. Hindi niya alam kung malalasing ba siya ng husto sa katotohanan na ang lalaking nakaniig niya noong nakaraang buwan ay nandito ngayon mismo.

Unti-unti siyang nakaramdam ng hindi maganda. Deep inside ay nagpapanic na rin siya. She hasn't seen him for a month, goodness!

"He's up there" turo ni Jin Young  sa second floor ng club. "Hiding in his luxurious vip room"

"Typical, Marco" sabat ni Nikos sa usapan. "Why doesn't he come down here and join us?"

"That dude is a geek. What do you expect?" sagot kaagad ni Jaspher dahilan para magsitawanan ang lahat.

Hindi magawang tumawa ni Red. Hindi na nga niya nagustuhan ang takbo ng usapan ay makikitawa pa siya. Never!

"Do you wanna dance, Rothschild?" desperada niyang tanong sa lalaking katabi niya.

Naweweirduhan man sa kanya ay pumayag naman kaagad si Rothschild. "S-Sure"

"Okay, mga ate and mga kuya, sayaw lang kami---" Red suddenly halted in the middle of her speech. Paglingon niya kasi sa lahat ay tulala ang mga itong nakakatitig sa kanya.

Parang hindi makapaniwala ang mga ito sa kanyang ginawa.

"What?" tanong niya sa  lahat. "I'm bored and I don't want to go home yet" Red rolled her eyes. "Let's go, Rothschild!"

Pagdating nila sa dance floor ay napapailing si Rothschild sa kanya sabay ngisi ng maaliwalas sa kanya.

"Stop looking at me like that, Rothschid" saway niya sa lalaking kasama niya ngayon sa dance floor. Panay kasi ang titig nito sa kanya na parang gulat na gulat din sa kanyang inasal.

Rothschild chuckled. "You're still the grumpy little red riding hood that I used to know back then" wika ng binata sabay kurot ng kanyang ilong na lagi ring ginagawa nito kahit noong bata pa siya.

"Arghhh... you're still the annoying guy na laging nangungurot ng ilong ko!" naaasar namang sabi ni Red kay Rothschild. Tinampal pa nga niya ito sa dibdib na siyang ikinahalakhak lang ng huli.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon