Chapter 18

39 2 3
                                    

Pagkarating nila sa Isla del Diosa ay buong maghapong nagmukmok si Red sa kanyang kwarto. Dala na rin siguro ng pagod sa kakaisip ng kung ano ano ay pinili niyang  itulog ang lahat.

Mukhang effective naman ang kanyang ginawa dahil mas ramdam niyang nakapagpahinga ng husto ang kanyang katawan.

Her mind didn't seem to be in a war anymore.

"Oh, there you are" pansin sa kanya ng ate Chiara niya pagkababa niya ng hagdan.

"Hi lola" agad nagmano si Red sa kanyang lola Graciela na masayang nakipagkwentuhan sa mga ate niya.

"Did you get a good nap, apo?" tanong ng lola niya, tapping the vacant chair next to her.

Agad naman umupo si Red at tinabihan ito.

"I did lola. Thank you for asking" sagot niya at ngumiti.

"Hay naku Red. You just woke up pero ang ganda ganda mo pa rin" Red almost rolled her eyes at Samantha's compliment.

Buong buhay niya ay lagi nalang papuri ang naririnig niya sa lahat. Okay sana kung achievements niya ang pinag-uusapan. Pero kadalasan ay tungkol talaga sa pisikal niyang anyo.

Red knew that she was more than that.

"Ate Sam, don't even start about that again" ani Red at umiling.

"Why? What's your skincare ba kasi? Share mo na, please?" nagpaawa effect pa ito na para bang may makukuhang impormasyon sa kanya.
 
"Call Juliette. She's the one who buys beauty stuff for me. Okay na ba ate?" napangiti si Samantha sa sinagot ni Red.

"Yup! Thank you so much, Red!!"

Napataas kilay si Red sa kakaibang ligaya na nakikita niya kay Samantha. Just for a freaking skin care.

"Hindi ka naman excited niyan nuh?" hindi mapigilang magkomento ni Red sa kakaibang excitement na pinapakita ni Samantha sa kanilang lahat.

"Well, she wants to be prettier for Marco. Ano pa nga ba" sabat ni Stacey na sobrang busy sa kakapindot ng cellphone.

"What?" malinaw naman ang pandinig ni Red ngunit parang wala siyang naintindihan sa sinabi ni Stacey.

"Ay,  oo nga Red. You didn't know this yet, but let me inform you. Alam mo bang pinuntahan ni Marco si Sam sa condo niya after that night na we got drunk?" halos mabitawan ni Red ang hawak niyang baso matapos marinig ang ate Elaine niya.

"He was just being a gentleman, okay? All of you were drunk and I had a little bit of emergency that morning. Si Marco ang una kong naisip since I recalled that he was the only sober person at the party" medyo nahihiya pang sabat ng ate Samantha niya pero halata namang kinikilig sa mga nangyayari.

Samantalang si Red naman ay hindi alam kung ano ang kanyang maging reaksyon sa kanyang nalaman.

Malinaw na sa kanya ang lahat na kaya pala hindi siya naasikaso ni Marco noong nakaraang araw ay dahil busy ito sa ate Samantha niya.

Red couldn't accept the fact that Marco left her that day to be Samantha's knight in shining armor.

"Red, apo. Okay ka lang ba?"

"Huh?" napabalik sa kanyang diwa Red nang maramdaman niyang hinawakan siya ng kanyang lola. "Y-Yes po, lola"

"Are you sure? Kanina ka pa matamlay. Are you not feeling well?" kinakapa kapa ng lola niya ang kanyang noo. "You look so pale today"

Tila napahinto sa pag-uusap ang mga ate niya nang marinig nito ang matinding pag-aalala ng lola nila sa kanya.

"Lola, okay lang po ako. I'm a lot paler naman talaga" pinilit ni Red na ngumiti upang maibsan ang pag-aalala ng matanda.

His Bride No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon