In Preparation

3.9K 84 11
                                        


We're having our storycon today for my new movie this year, syempre with Papa P. Naka-excite yung movie na to, kasi akala namin hind natuloy, ero buti nalang, naghanap lang ng magandang material para sa amin ang Viva Films and Star Cinema.

Mas nakadagdag pa ng excitement na ang magdidirect ng movie namin ay si Direk Dan. Siya rin yung director ng movie na pinanood namin ni Matteo. That thing called tadhana. Na sobrang tumatak sa akin yung mga hugot lines. Nabanggit ko pa nga sa The Voice eh.

Kasama ko si Mommy today. Kahit may hangover pa ko with last night, kinailangan kong gumising ng maaga kanina. Syempre, di pa rin nakaligtas kay Mommy.

Naiiling na lang si Daddy kanina during breakfast, habang si Mommy, hawak ang isang tabloid and news paper na syempre, kami na naman ni Matteo ang nasa front page ng entertainment section. Kaya ayun, konting sermon.

Pero ako, kinikilig pa rin. Kahit hangang ngayon na nasa sasakyan kami ni Mommy. Naalala ko na naman yung mga yakap, lambingan namin kagabi at yung bulungan namin. Kayaeto, napapangiti habang nilalaro ko yung love bracelet namin sa wrist ko.

"Anak, kanina ka pa ngiti nang ngiti diyan.", puna ni Mommy na kanina pa siguro ako tinitingnan.

"Wala naman, Mommy. Excited lang po."

"Excited? Sure?"

"Yes, My. Excited.", saka ko nginitian si Mommy saka ko kinuha yung fone ko sa bag.

"Anong plano mo, may konting interview raw mamaya. Alam mo naman sila, baka may issue na naman sa inyo ni Matteo. Hindi magandang tingnan."

"Alam ko po, My. Na-brief na ko sa fone kanina ni Ms.Cha."

"Good. Pinapaalalahana lang kita."

"Yes, My. Syempre po, nakakahiya kay Papa P kung ieentertain ko yung mga tanong na yun."

Napansin kong tumango si Mommy saka ako nagcheck ulit ng Twitter account ko.


Sa sobrang pageenjoy ko sa mga nakita kong pictures, di ko namalayan na nakarating na pala kami sa venue.

Binalik ko na yung fone ko sa bag saka inabot ko sa PA ko.

"Basta, Sarah. Ihiwalay mo yung sa inyo ni Matteo sa trabaho. Ayoko yung mga nababasa ko na para nang bukas sa mga tao yung sa inyo. Masyado na kayong clingy."

Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Mommy. Bababa na nga lang ako sa van, may pahabol pa talaga si Mommy.

The storycon went well. Si Papa P kaya yun. Lumalabas na naman yung kilig sa katawan ko. Pero, tama si Mommy. May mga reporters talaga na pilit tinatanong yung sa amin ni Matteo. Lalo na't kagabi lang, spotted kami sa concert ni Ed Sheeran. Pero bilang respeto sa pelikula, sa direktor namin, at sa leading man ko, puro senyas na ko na wag na silang magtanong bout dun.

Ewan ko ba, pero ang totoo, mas komportable na akong magsalita tungkol sa amin ni Matteo, pero syempre, sa tamang lugar at pagkakataon pa rin.

After the storycon, may isa pa akong commitment na pupuntahan mamayang 4pm. Its a photo shoot.

Pagkarating namin sa bahay, nagring na fone ko. Si Tita Glenna. Parang alam ko na kung bakit siya tumatawag.

"Hello po, Tita."

Sarah, hija. How are you?

"Okay lang po. Kayo po?"

I'm grand. So, are you busy today?

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon