"Mukhang absent si boyfie, a! Kala ko nakabalik na from States?", biglang singit ni Ms. Gel.
"Ay, may lakad po siya with friends today. Pero tama nga po, nakabalik na siya."
"Kala naman namin, dinedma niya photoshoot mo today, e natapos na ang lunch time, matatapos na rin tayo, walang boyfie na dumating, may lakad pala."
"Ah, hindi po. Nasabi naman niya sakin."
"Di na kasi kami sanay.", sabay ngiti.
"Ay oo nga! Kasama ang friends. O look!", sangat ni Beyonce sabay abot ng fone kay Sarah para ipakita ang post ni Matteo.
Napangiti lang si Sarah at ibinalik na kay Beyonce ang fone.
Infairness naman talaga kay Matteo, lahat sinasabi. Napaka-honest na tao.
"Go na, Sarah. Last layout na at makakasama mo na si boyfie.", kinikilig na sabi ni Beyonce.
"Naku, ikaw talaga. Enjoy pa yun ngayon.", sagot naman niya kay Jeffy.
After ng last layout e, inayos na ng PA niya ang mga gamit niya para maisakay na sa Van.
Habang naghihintay sa mga ito, sumakay na siya ng van at agad niyang kinuha ang fone niya. Nakita niyang may 2 messages si Matteo sa kanya.
"Mahal, di pa kami tapos magbonding e. Baka hindi na muna tayo magkita ngayon. I love you."
"Text me pag tapos na yung shoot mo. Tell Kuya Dong, ingat sa pagdrive. I love you."
Bigla siyang nalungkot sa message ni Matteo. Hindi na siya sanay na hindi man lang sila nagkikita nito sa isang araw.
Kaya nagreply na lang siya sa text nito. "Okay, Mahal. Basta ingat kayo. Pauwi na kami. Kakatapos lang din ng photoshoot ko. I love you too."
May30minutes na ang lumipas pero wala pa ring reply si Matteo. "Bakit kaya? Sobrang busy niya."
Lalong nainip si Sarah nang maramdaman nila ang Traffic. Kaya pinili na lang niya munang umidlip.
Maya-maya pa ay narating na nila ang bahay nila. Nagpaalam na muna siya sa Mommy niya na itutuloy na muna niya ang pagtulog. Pero ang totoo, naiinis na siya kay Matteo dahil hindi man lang to magtext.
Pagpasok sa kwarto niya, ipinatong niya ang fone niya sa bedside table at saka humiga at ipinikit ang mata pero hindi siya makatulog. Kinuha na lang niya ang iPad niya at nakinig ng music. Baka sakaling makatulog siya.
Alas-siyete na nang ginising siya ng Mommy niya para sa Dinner.
"Nak, gising na. Handa na ang dinner. Baka malipasan ka pa ng gutom. Tayo na dyan.", sabi ng Mommy niya habang tinatapik ang braso niya.
Bumangon na siya sa kama niya at saka tumayo. Nakatulog din pala siya. Kinuha niya ang fone niya. Siguro naman, may mababasa na siyang text galing kay Matteo ngayon. Pero nainis siya ng sobra nang makitang wala siyang new messages. Kaya naiinis na bumaba na lang siya para kumain.
Dinaan na lang niya ang inis sa pagkain. "Naiinis talaga ako. Di man lang makaalala.", bulong nito.
"Nak, ano yun? May sinasabi ka ba?", tanong ng Daddy niya na narinig ata na bumulong siya.
"Wala po, Dy."
"Kain lang nang kain, nak."
"Opo, Daddy."
Pagkatapos ng hapunan, pumunta siya sa garden. Nakatayo siya sa pool side nakatingin sa malayo. Itinatago ang inis niya kay Matteo nang biglang nagring ang telepono nila sa bahay.
...ring...ring...
"Mam Sarah, si Sir Matteo po.", inabot sa kanya ni Jo ang telepono.
"Oh, napatawag ka?", inis na bungad niya kay Matteo.
"Been calling you on your fone, pero hindi mo sinasagot."
"Iniwan ko sa kwarto ko. Wala ka ngang text ni isa, e di di ko na lang dinala.", pagtataray pa nito.
"Hey, galit ka ba? Anong problema?", tanong nito.
"Wala. Wala akong problema. Hindi lang naman tayo nagkita, wala kang text ni isa. Okay lang yun."
"Mahal naman. Busy lang ako kanina. Wag ka nang magalit."
"Oo nga. Busy ka."
"I love you. I love you.", paglalambing ni Matteo.
"I love you too. SIge na, magpapahinga na ko. Bye.", pagkasabi'y binaba na nya ang telepono at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Matteo.
Umakyat na siya sa taas at nahiga na. Mas gusto pa niyang matulog na lang ulit kesa mapagtatayan pa niya lalo ito sa inis niya.
Bago siya natulog, ay nilagay niya muna sa Silent mode ang fone niya, saka nahiha at ipinikit ang mga mata.
---------------------------------
"Oh, bat parang di ka mapakali dyan?", tanong ni Ivan sa kanya. Kakatapos lang kasi nilang ayusin lahat para sa surprise party niya para kay Sarah. Mula sa venue, sa pagkain, sa decorations at sa pagcocontact niya sa mga close friends nila na ininvite niya para rito.
"Si Sarah, bro. Di sinasagot tawag ko e.", sagot nito sa kaibigan.
"Baka naman pagod. Hayaan mo na muna."
"Hindi e, pakiramdam ko galit siya. Kasi siguro hindi ko man lang natext."
"Dude, para sa kanya naman lahat nang pinagkaabalahan mo ngayon. Actually, nating tatlo.", pagtatama pa nito sa pagsama niya sa kanila ni Marlon sa pagpaplano niya ng party.
"Kung alam lang niya na para sa kanya lahat to, bro."
"Sir Matteo, okay na po lahat. All set na po tayo sa July 24th, 7pm.", sabi ng isang babae sa restaurant.
"Okay. Thank you.", at nakipagkamay siya rito.
"Marlon, Ivan. Mga bro, thanks for the help. Thank you talaga.", pasalamat niya sa dalawa.
"Anytime, Bro. You know we love you, Bro.", sagot ni Marlon.
"Finally, time to go home. KAsalanan mo to e, di ko rin nakita girlfriend ko.", kunwari'y paninisi niya sa kaibigan.
"Sorry naman, Bro. Bawi ka na lang."
"Oo, ikaw rin. Naku away yan. Galingan mo paliwanag kay Sarah.", sabi nito sabay tawa.
------------------------------
Hey Guys!! Comments naman dyan. Kung anong pwede nating eksena sa mga susunod na chapter.
Ang hirap lang for me para bigyan ng conflict. Kahit hindi totoo to, masasaktan ako para kay Sarah.
Thank you, guys!

BINABASA MO ANG
My Forever
FanficON HOLD A Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli Fanfiction love story. Events and places, as well as the names of the character in this story has nothing to do with their real life. This is pure imagination only.