Assurance

2.8K 69 22
                                    


"Lovey, ayan ka na naman e."





Kausap ko si Matt sa fone. Out of the country siya ngayon e. Hindi pa rin kami nagkikita. Kasi busy rin siya sa preparation and promotion ng upcoming concert nila. Kami naman, papunta na sa location ng movie namin ni Papa P. At gaya nang mga nakaraang araw, ayan na naman siya. Nagseselos na naman sa wala.

Well, kasalanan ko rin naman siguro kasi sa sobrang transparent ko, hindi ko maitago yung kilig talaga kay Papa P. Eh. Masisisi niyo ba ako. Ang gwapo talaga e.




"Huy. Lovey. May kausap pa ba ako?"

Lovey, basta walang kissing scene ha?

"Sus. O sige na. Wala naman kasi talaga. Kampi kayo nila Mommy e. Hmp."

Talaga lang. Ako lang dapat, Lovey.

"Oo na. Ikaw lang."


I know he's smiling right now kahit hindi ko nakikita mukha niya. Yun lang naman kasi ang maibibigay ko sa kanya ngayon, assurance na walang magbabago. Na siya lang ang mahal ko.


I love you.

"I love you too. Alam mo yan."












After ng paguusap namin kinalabit na ko ni Ate Anna. Di kasi makakasama si Mommy at Daddy. May aasikasuhin daw. Kaya ang kasama ko eh, ang on-call kong Ate.


"Hmm. Selos na naman jowa mo?"

"Alam mo naman yun. Possesive na talaga lalo e. Pero okay lang. Hindi ako mapapagod na ulit ulitin sa kanya na sa kanya lang ako."

"Sus. Oo na. Pero sinabi mo na ba?"

"Ang alin?"

"Yung... Alam mo na..."

"Ha? Anong alam ko na?"

"Kunwari ka pa. Yung kay ano..."

"Sino ba?"


Nagchecheck ako ng twitter ko, hangang ngayon kasi andami pa ring notifs about sa birthday ni Matt. Eh, halos 1month na nakalipas. Napapangiti na lang talaga ako sa mga fans namin na hindi pa rin makausad.


"Ano ba yan, Pot? Yung kay Budoy."


Napatingin ako kay Ate Anna. Nawala agad ngiti ko. Oo nga pala, hindi ko pa nabanggit kay Matt na nagusap kami ni Ge.



"Kitam. Hindi pa noh? Naku, Pot. Goodluck sa jowa mo."

"Ate naman e. Nawala sa isip ko. Saka di pa kami ulit nagkikita di ba? Eh, alam mo naman yun."

"Hay naku. Kahit na. Samantalang ikaw kung makapagtanong ka kay Matt na, Oy, san ka? Sinong kasama mo? Tapos ikaw."

"Ate naman, e. Di ka nakakatulong e."

"Ok. Okay."


Naguilty ako bigla. Tama si Ate Anna. Bakit nga ba di ko nasabi agad? Eh, kilala ko kasi yun e. Kapag ka sinabi ko sa kanya yun na hindi kami magkasama, mahirap suyuin. Andaming papasok sa isip non na wala naman talaga. At least kapag kaharap ko siya mismo, madali nang lambingin. Ayan, landi rin kasi ng isip rin e.



"Ang totoo kasi niyan, Ate, nagusap lang kami ni Ge. Saglit lang yun. Yung sa amin noon. Sabi niya nahihiya pa rin siya sakin hangang ngayon sa nangyari. Tas nadagdag pa raw na wala na rin sila ni Ate Maj. Nagsorry. Eh, sa akin naman, hindi na kailangan, dahil matagal ko na siyang napatawad. Sila. Bago ko tanggapin si Matt sa buhay ko, napatawad ko na sila. Unfair sa boyfriend ko kung hangang ngayon, may nakatago pa rin akong sama nang loob sa kanila. At sa akin rin naman, ayokong magtanim ng galit o sama ng loob sa ibang tao. Di ba?", sabay tingin ko kay Ate Anna.

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon