Sincerity strikes!

4.3K 45 9
                                    


Flowers to their house, even to The Voice studio. Everyday visit. But still, No progress.

There's still communication. We never broke up naman e. She's texting me once in a while. Siguro nakukulitan na sa dalas kong magtext. But there's no complain from me.

Who am I para magreklamo. I'm the one who's responsible kaya dumating kami sa point na ganito.

Missing her badly. I missed how we used to be. It's been a week since our last talk. But I never gave up on saying Sorry. And to prove to her that I'm worth to have another chance. I know it's hard, but I love her at hindi ako susuko.

I was doing my morning routine when I saw Kuya Ryan in the Filinvest. We stopped at McDonald's and had our talk.

"How are you now, Matt?", Kuya Ry asked me.

"Physically, Okay. Pero dito hindi, Kuya.", I said saka tumuro sa dibdib ko. "It was bleeding, Kuya Ry. But I know it's my fault. These are my consequences."

"Kinausap ka na ba niya?"

"One week na since our last talk."

"She's with Juday now. Sister's talk, I guess.", Kuya Ry said. "Saw her kanina. There's pain in her eyes. I think, you have to let her muna hangang sa maging okay siya."

"I know, Kuya Ry.", saka bumuntong hininga. "But believe me, Kuya. Hindi ko ginustong saktan si Sarah."

"Hey, you don't have to explain. Juday and I had nothing to say nor judge you. It's between you and Sarah. But please, understand my wife, if her sympathy's for Sarah."

"I understand, Kuya."

Before I and Kuya Ry parted ways, he left me with one word. "Sincerity, Matteo.", Kuya Ry said then ride on his bike and go.

Kuya Ry's right. All I need to show Sarah is my sincerity.

Sarah's POV

I was at Ate Juday's house today. Siya yung una kong naisip na puntahan lalo na pag ganitong may pinagdaraanan ako. Nagpahatid lang ako kay Kuya Raul.

Nag-offer rin kasi si Ate na magbake kami today. Sakto, wala akong commitments so, pumunta ako, pero syempre gusto ko ring i-share kay Ate yung pinagdaraanan ko.

Nasa school na ang kids. Si Kuya Ry naman daw nagbike. Si Ate Anna, mamaya pang lunch susunod.

Nasa kitchen kami ni Ate. Nagipon muna ako ng lakas ng loob na magshare kay Ate. "Ate..."

"Yes, Baby Girl?"

"You think, OA na ako. Or nagiging mean na ba ko kay Matteo?", tanong ko kay Ate na kasalukuyang nagpeprepare ng mga gagamitin namin for baking.

Tumigil siya sa ginagawa niya, then she looked at me, "Bakit OA? Ano bang ginagawa mo?"

"Kasi Ate, panay ang pa-deliver ng flowers. Sa bahay or sa set. Everyday pumupunta, pero hindi ko hinaharap. Sobra na ba ko?"

"Oh, eto ganito na lang ha. You think, mas okay sayo na ganyan? Or sa tingin mo, mas makakatulong yung ganyan ka sa kanya?"

"Ate, ang hirap naman ng mga ganyang balik mo ng mga tanong e.", pagmamaktol ko.

"Aba, e nagtanong lang ako. Hindi ka na bagets masyado. Paalala ko po ha."

"Ang gusto ko lang kasi Ate is marealize niya yung mali niya. Kung bakit ako nagkakaganito. Gusto kong bigyan yung sarili ko ng oras para at least, makalimutan ko ang nangyari."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon