Thailand 2!

4.1K 49 7
                                    

Tig-isa kami ng kwarto ni Ate Anna, kahit na hindi naman kailangan eh, wala rin kaming nagawa. Ito yung reservation according to the front desk. Her room is in ultra-modern facilities. King-size bed with terrace, na makikita mo ang Majestic Chao Phraya River.

Pumikit siya at dinama ang hangin mula sa terrace. "Nakakarelax naman to", she says in mind nang biglang may kumatok. Si Ate Anna.

"Bebe, ano, kumain muna tayo sa baba? Baka nagugutom ka na e.", sabi ni Ate Anna. Saka pumasok sa room niya.

"Okay lang, Ate. Sige. San ba tayo?"

"Gusto ko sana i-try yung River Cruise e, kaso, mag 8pm na pala."

"Eh, Ate. Magpa-room service na lang kaya tayo? Or sa Cantonese restaurant sa baba."

"O sige. Tara na."

Hindi makapaniwala ang mga mata niya sa nakikita niya.

"Bebe, yung chef pala dito nagpreprepare ng banquets para sa matataas na tao dito sa Thailand."

"Na-excite naman ako, Ate. Siguradong mapaparami na naman kain ko. Este natin."

"Oy, Bebe. Hindi pwede. May shoot ka tomorrow. Bukas ka na bumawi."

"Ay, oo nga pala.", napailing siya. "Sige Ate. Itong best-seller nila, yung dimsum platter."

"Okay sige."

Habang naghihintay sa order nila, kanya-kanyang check ng fone. Pero ako, sinusubukang ma-contact si Matteo. After three rings, Matteo answered my call.

"Hi, Love. How's Thailand? I miss you na.", Matteo said.

"Okay naman, magdidinner pa lang kami ni Ate Anna. You?"

"Ahm, hindi pa. Sa bahay namin ako uuwi ngayon, Love."

"Ganon ba? Ingat ka ha."

"Syempre, para sayo."

"O sige na, sa viber na lang mamaya, okay? I love you."

"I love you too, Love."

After their dinner, nagyaya si Ate Anna sa The River Bar para makapagrelax and unwind. Here, they offer snacks, cocktails and their signature drinks.

Ate Anna, ordered "Another One please", one of the River Bar's signature drinks. Ako naman, a glass of red wine lang.

"Ate, sayang noh? Hindi tayo nakapagriver cruise."

"Oo nga, Bebe. Late na kasi baka mapagod ka, lagot ako kay Mommy mo pag nagkataon.", sabay ngiti nito.

"OA. Hindi naman ako mapapagod ng ganon lang Ate e."

"Sus. Namimiss mo?"

"Si Matteo?"

"aba, May iba pa ba, Bebe?"

"Syempre wala, Ate.", sabay tawa. "Lagi naman Ate e. Alam mo, Ate, pag minsan, napapagusapan namin ni Matt yung magbakasyon, yung ganito, kahit Asian countries lang. Pero---"

"Pero?"

"Hindi ganon kadali yun di ba?"

Napangiti si Ate Anna. Alam niya kung anong ibig kong sabihin.

"Darating din yan, Bebe."

Ngumiti lang ako at tumango. Hindi niya namamalayang naubos na niya ang red wine niya.

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon