Best Boyfriend Ever!

5K 41 0
                                        

"Your Viva Family's cool, Love.", sabi ni Matteo habang pauwi na sila.

"Ganon lang sila talaga. Ganyan na ganyan dati si Direk sa atin nila Teacher G, di ba?"

"I agree. And your Boss' kind.", dagdag pa niya.

"Close yun ni Mommy, di ba?", tiningnan niya ang Mommy niya.

"Nak, 10years tayong magkakasama, kaya talagang close kami.", sagot nito sa anak.

Tumingin siya kay Matteo, "You okay? Parang bothered ka.", tanong niya rito.

"Ah, wala. Wala yun, Love.", may kasama pang iling.

"Matteo, ano nga?", medyo salubong na ang kilay niya.

"Wala, Love. Excited lang ako mamaya.", sabay kindat niya dito.

Matteo's POV

Can't believe na ganito yung kaba ko. May kilig, may excitement and pressure para sa surprise party ko sakanya.

This will be her first birthday celebration as a couple. Gusto kong masuklian yung binigay niyang hapiness, kilig sa akin nung birthday ko. Gusto ko siyang maging masaya.

"Love, Huy! Matteo"

"May sinasabi ka, Love?", tanong niya rito na tinatagong natulala siya kani-kanina lang.

"Ewan ko sayo, pag hindi ka mapakali, tulala.", pagtataray niya rito. "Kasama kita ngayon, pero lipad isip mo."

"Hey, sorry na."

"Ewan ko sayo."

"Oh, mamaya kung san mapunta yan, may date pa naman kayo mamaya.", saway ng Mommy niya.

Hindi na lang sila umimik. Hinawakan na lang ni Matteo ang kamay ni Sarah. Takot lang niyang magback-out bigla ito sa lakad nila mamaya. Pag nagkataon, walang pupuntahan ang mga hinanda niya.

"Bilis naman ng meeting niyo, My.", bungad ni Jo.

"Yung World tour lang ng kapatid mo ang agend saka album, kaya mabilis lang."

"Ay, My. Nagpahanda na ko ng lunch. Para makakain na tayo.", dagdag nito.

"Mabuti kung ganon. Sabihan mo na ang kapatid mo at si Matteo na magtatanghalian na tayo.", utos nito kay Jo.

Kaya nagpunta na siya sa may sala. "Psst! Love birds. Magtanghalian na daw tayo sabi ni My."

"Okay, Ate. Sunod na kami.", sagot naman ni Sarah.

Pagkatapos nilang magtanghalian, nagpaalam si Matteo na may dadaanan lang saglit. Tinext kasi ni Matteo si Ivan na samahan siya sa restaurant para i-sure na ready lahat mamaya.

"Okay lang ba, Love? Magkikita kami ni Ivan saglit. Tapos balik na ko agad dito.", paalam niya dito.

"Yeah, sige. Okay lang, Love. Magpapahinga na lang muna ako sa taas. Medyo bitin tulog ko kanina e."

"Thank you, Love. See you later. I love you.", paalam nito sabay halik sa pisngi.

"Ingay kayo, I love you too."

Sarah's POV

Tiningnan lang niya sa Matteo habang papalabas ng bahay nila na nagmamadali at mapakali.

May iba siyang pakiramdam. Kanina pa nung nasa Van. Actually, nung isang araw pa nang magaway lang sila.

Wag lang talga, Matt. Wag lang talaga. Saway niya sa isip niya. Ayaw niya nang pakiramdam na yun at ayaw niya nang iniisip para dito.

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon