Special Chapter ** Part 2 **

7.5K 51 0
                                    

A/N: Alam niyo ung feeling na ramdam ko na malapit ko ng tapusin ang story na to? Hehehe! Oo, gustong-gusto ko na talaga tapusin to. Madami lang dumadagdag sa utak ko na pangyayari kaya ayun natatype ko. Dapat hanggang chapter 25 lang to kaso di inabot..hehe! xD Sorry kung last ud ko pa nung feb.9 sunod-sunod kasi na mga araw sobrang busy ako sa school, haggard na haggard ako mukha na akong si sisa! HAHA! Just Kidding! xD

***
Special Chapter (Steven & Yvonne)
Part 2

>> (Picture on the side // Kim Tae Hee as Yvonne Genares)
***

Yvonne POV

"The number you have dialled is......"


*end call*


STEVEN!!! Paktay ka talaga sakin! Dahil kanina pa ko tawag ng tawag sayo! Di mo manlang ako sinagot! Kahit text mula sayo, WALA!


"Anak, tara na umuwi na tayo. Tutal di ka pa nakapag decide kung anong wedding gown ang gusto mo. Saka nalang siguro dahil mas tama kung nandito si Steven."


"Tss..Di na babalik yun! Pinaalis ko na yun!"


"ANONG SABI MO?!"


"Pa! Stop! Okay? Easy. Inhale. Exhale. Joke lang yun, di ko siya pinaalis. Saka pag bumalik siya dito yari naman siya sakin. *grins*"


"Nako! Kayo talaga hindi nagbabago lagi nalang ba kayong mag aaway bati? Tsk. Tsk. May future nga talaga kayong dalawa na magkatuluyan! *tap my shoulder*"


O___o Hanudaaaww?? Kami may future na magkatuluyan? HA! Baka lumindol pag nangyari 'yon!

Steven POV

Ayos na rin kami ni Papa. Pero di parin ako sanay na tawagin siyang papa or daddy. Tsk!


*tininining tininining tining*


Ayos sa ringtone cellphone ko ah!


Pag open ko ng cellphone ko so i can check it kung may nagtxt ba....meron nga! 20 messages received and 68 Missed Calls..Paktay na!


"Hoy! Stella! Nakikitingin ka? Problema mo?" =_____=


"Sus! Tumitingin lang eh. Sino ba yan? Girlfriend mo? Pakilala mo naman ako! *smiles widely* Dali na! Kapatid mo naman ako eh! Hehe!"


"Dun ka nga!" taboy ko sa kanya. Psh! "*bulong* Lagot na.."


"Lagot ka talaga sa girlfriend mo kapag di mo ako pinakilala sa kanya sasabihin ko nambabae ka lang tapos iiwan mo na siya, ganun! *grins*"


"Threat ba yan? Subukan mo lang mangielam! Titirisin kita ng pinung-pino!"


"Ouch! Totohanin mo ba yan kuya? *u* Nako! Sinasabi ko sayo wag muna dahil di ko pa nagiging first boyfriend ung ultimate crush ko tapos magiging forever pa kami nun, kaya wag mo ng balakin dahil di ka magtatagumpay! HAHA!"

Marrying My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon