== EPILOGUE ==
Andrew Contreras POV (Last POV)
I know na ang lahat ng nagmahal na at nakaranas magmahal at mahalin din ay hindi madali sakanila gawin ang palayain ang taong naging sobrang halaga sa kanila, naging parte ng buhay nila at minsan nang minahal.
Tulad ko, sa una nahirapan akong makaMove on dahil sobrang mahal na mahal ko si Sofia. Tanga -- isang salita pero maraming meaning. Ayan ang tawag ko sa sarili ko noon ng pinakawalan ko si Sofia.
Kahit masakit ginawa ko dahil alam kong iyon ang ikasisiya niya. Nagplano ako noon na agawin siya kay Drake para mapasaakin ulit siya gamit si Monique.
Pero alam kong wala akong laban dahil nakikita ko kung paano tignan ni Sofia si Drake ng higit pa sa kaibigan. At ganun din ang tingin dito ni Drake na huli nalang niya nalaman nang muntikan ng mawala sa kanya si Sofia.
Nandito ako nakatayo mula sa malayo, nakatingin sa babaeng minahal ko na kailangan ko na talagang pakawalan o palayain at ako hindi ko iiwan ang puso ko dito. Bakit? Dahil alam kong may magbubuo nun na naghihintay sakin sa Italy.
Panget man pakinggan sa isang lalaki ang sobrang korni pero wala kaming magagawa dahil kapag sobrang nainlove kami ng todo ay nagiging korni na minsan ang pananalita namin.
Ganun magmahal ang mga lalaki, hindi mo aakalain na minsan ang isang playboy, gangster, adik, o kaya minsan ay cold-hearted guy ay matagal mainlove. Nagkakamali ka!
Dahil once na makita naming mga lalaki sa isang babae ang mga katangian na gusto namin madali kaming magkagusto dito pero hindi sa pagiging inlove na agad kumbaga may sari-sarili kaming meaning about sa mga ganyang bagay.
At parang nababakla na ako dahil parang may future akong maging isang love advicer or kung anu-ano pang may connection sa love. Sheeyyyttt! >_____<
"Calling all passenger....blah blah blah...."
Bago ako tuluyang pumasok at lumayo tinignan ko muna silang dalawa. Napangiti ako dahil alam kong magiging masaya na si Sofia kay Drake at base sa nakikita ko parang nagpropose si Drake kay Sofia.
Lalong dumadami ang tao sa paligid nila ng hindi nila namamalayan. Hanggang sa di ko na sila masyadong makita ay tumuloy na ako papasok sa loob.
This time kapag nakatapak na ako sa Italy itatama ko na lahat, kung si Monique ang para sakin, tatanggapin ko pero di ko maipapangako sa kanya na mamahalin ko agad siya.
Syempre kailangan munang maging sentro siya ng isipan ko, tanging siya lang. At sa lagay na yun dun ko lang siguro masasabi na mahal ko na nga siya lalo na kung I can't live without you na ang masasabi ko sa kanya.
Nang makaupo ako sa seat ko sa loob ng eroplano ay napapikit na agad ako. Gusto kong mag refresh ng utak para na rin pagdating ko doon ay makakapag isip ako ng maayos.
At ang hindi ko inakalang babaeng makakatuluyan ko ay makakasama ko na habambuhay kahit hindi pa kami kasal yun agad ang naiisip ko. Siguro kami nga talaga ang para sa isa't-isa....
BINABASA MO ANG
Marrying My Bestfriend
RomanceWhat if kung pinilit ka ng bestfriend mo na magpakasal sa kanya for invalid reasons na hindi mo alam at malalaman mo lang lahat ng iyon kapag mahal na mahal mo na talaga siya at kasal na kayo! Matanggap mo pa kaya kung bakit ka niya pinilit na magpa...
