Chapter 22

7.7K 60 6
                                        

A/N: Tulad ng sinabi ko sa comment nung isang kagabi ito na ang next chapter..ngayon ko lang napost kasi may NCAE (National Career Assessment Examination) po kami kahapon at kailangan ko mag review nung isang araw..at kahapon din gumawa ako ng sandamakmak na assignments kaya di ko nabuksan tong wattpad ko..Medyo hinabaan ko na siya dahil hanggang chapter 25 lang po ito plus Epilogue at A/N..Enjoy reading!

Dedicated to: MafetteMacalosNaquil

==================================================================

Sofia's POV

So here we are! Sa Airport! Yaman talaga nila Drake..not to mention na nasabi ko na sa inyo dati na galing sa mayamang angkan yan si Drake Abrevega..Edi siya na mas mayaman samin..

Naunang bumaba si Drake sakin at inilahad niya ang kanyang kamay sakin kaya kinuha ko ito at Bumaba na ko ng helicopter at isinuot yung hat ko (ung pang beach)..I miss you Manila! But mamimiss ko ang Isla Samantha..

Nga pala hindi sinabi sakin ni Drake na doon sa kasukalan na parang akala ko puro puno lang dun sa may likod ng resthouse nila ay meron palang shortcut doon papunta sa bayan pero hindi na sakop ng pagmamay ari nila Drake dahil sakanila lang ung Samantha Island..

Tsk! Bakit di kami pumunta doon?? Akala ko pa naman Isla lang talaga yon..yun pala may shortcut dun sa kasukalan kaso malayo pa daw ang lalakarin..Nakng! Teteng ka Drake! Sinabi mo lang sakin ng pabalik na tayo dito..

"L-love.." usal niya sakin sa mahinang boses at hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Drake bakit?" tanong ko. Nakikita ko kasi sa mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin.

"Please kahit anong mangyari hindi ka bibitiw."

"Drake ano ka ba? Nasa airport na tayo. Saka makapagsalita ka parang mawawala naman ako sayo." hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinakatitigan siya sa mata. "Kung anu man ang iniisip mo na mawawala ako sayo. Hindi mangyayari yon Mr. Drake Abrevega at ikaw lang ang tanging mahal ko. I love you."

Then i smiled at him. Hinawakan niya ang pisngi ko saka dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha niya sakin at ipinagdikit niya ang noo namin.

Hindi na ko tumutol pa kung sakaling hahalikan niya ko. Kaya naramdaman ko nalang ang mainit niyang labi na dumampi sa akin. He did kissed me. Kusa ng pumulupot ang isang kamay ko sa batok niya at ang isa naman ay sa buhok niya.

Hmm..kissing under the sun? Sakto dahil papalubog na ang araw..

After that kissed we both panting. But still magkadikit parin ang noo namin at nakahawak parin ang isa niyang kamay sa pisngi ko at ang isa naman ay nasa bewang ko.

Marrying My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon