A/N: Chapter 25! Wuhoooo! Malapit na talagang matapos to! HAHAHA! Tapos ung HOUSEMATE na isa ko pang story tatapusin ko din. Tapos ipo-post ko na ung SPEED NIGHT, ARRANGED MARRIAGE?! at MY PLAYBOY CRUSH na bagong story na ginagawa ko ngayon. ^___^
Enjoy Reading!
__________________________________________________________
Final CHAPTER??
Yvonne POV
Pag uwi ko sa bahay wala na doon si Sofia. Ang naabutan ko nalang sila Papa at Lolo Conrad.
"Bakit ngayon ka lang? Uwi ba ng matinong babae ang alas siyete? Saan ka nanggaling?" seryosong tanong sakin ni Lolo. Daig pa si Papa sa pagiimbestiga.
"Syempre po Traffic sa pinuntahan kong MALL. At ang hindi matinong uwi po ng isang babae ay alas diyes ng gabi." walang ganang sagot ko. Dahil naBored lang din ako sa pagpunta ko sa MALL kanina dahil wala akong kasama.
"Sana manlang sinama mo si Steven kung magmoMALL ka sa susunod. Para naman may maghahatid sayo dito kung gabi kana uuwi." si Lolo parin dahil tahimik lang si Papa na nakaupo sa sofa.
"Lolo..hindi na po ako bata..at alam ko naman po ang ginagawa ko. Nothing to worry about dahil may pagkasadista ata minsan tong apo niyo. Kaya walang magkakamaling magmanyak sakin sa MALL noh. *pout*" katwiran ko dahil feeling ni Lolo ako parin ung batang Yvonne na nilalaro-laro niya noon kasama si Lola.
"Anak..may kailangan kang malaman." tumahimik na si Lolo at si Papa naman ngayon ang magsasalita. "Alam mo na bang nakita na ni Steven ang totoo niyang ama na si Mr. Montello?" tumango ako.
"Alam mo rin bang may posibilidad na baka hindi matuloy ang kasal niyong dalawa?" sabi sakin ni Papa at parang may mga nagdilang anghel na lumilipad sa paligid ko.
"So kapag nangyari yun, Papa, i'm free?!" Tumango si Papa. Biglang kuminang ang mga mata ko at pinagsalikop ko ang mga kamay ko.
"Yun ay kung tatanggapin na ni Steven na palitan ang apelyidong ginagamit niya sa Montello at hindi na siya magiging Mallari." sabi agad ni Papa. Okay na sana eh magiging masaya na ako tapos biglang ganun?
"Kakausapin ko ngayon din si Steven. Sige po alis muna akooo!" tumakbo na ako palabas ng bahay at pinaharurot ko na ung kotse ko.
[[ The Bar..... ]]
Nandito na ako sa Bar sa kung alam ko kung saan pupunta si Steven tinawagan ko kasi siya kanina at puro ingay lang ang naririnig ko. Kaya walang alinlangan na dito nga yun pumunta.
Napabuntong-hininga ako ng ayaw pa akong papasukin ng guard at chineck pa ako nung babaeng guard kung may dala akong kung ano. Good thing! Wala naman talaga! Except sa Cellphone ko. ^_____^
Pagkapasok na pagkapasok ko. Lumapit agad sakin ang isang waiter na inaalok ako ng mga bagong drinks nila at pinipilit pa akong papuntahin sa bar counter. Pero tumanggi ako.
Bwiset! Ang laki pala nitong The Bar na to! Hindi ko agad mahanap si Steven. Sa bandang looban pa pala ang Dance Floor hiwalay dito sa mga nagbabanda lang kapag papasok ka sila agad makikita mo.

BINABASA MO ANG
Marrying My Bestfriend
RomanceWhat if kung pinilit ka ng bestfriend mo na magpakasal sa kanya for invalid reasons na hindi mo alam at malalaman mo lang lahat ng iyon kapag mahal na mahal mo na talaga siya at kasal na kayo! Matanggap mo pa kaya kung bakit ka niya pinilit na magpa...