Phase 5

20 3 0
                                    

Phase 5



Poison



Kinikilabutan pa rin ako sa nangyari kanina at halos hindi ko na ginalaw pa ang pagkaing inalok sa akin. Tinignan ko ang mga kasama ko sa hapag, lola ni Cian, at ang babaeng nakasunod sa kaniya kanina.



"Why aren't you eating, Luke?" tanong ng matanda.



"Hinihintay ko pa po si Cian." kabadong sagot ko.



"Oh, okay. Are you guys.. in a relationship?" bago pa ako makasagot ay nasa tabi ko na si Cian at maingay na hinila ang upuan para makaupo.



"Stop asking" malamig na sabi nito na matapang na nakatingin sa matanda.



"Dalhin dito ang pagkain ng apo ko" utos ng matanda.



Nang nilapag ito sa harapan ni Cian ay nangunot ang noo niya.



"Masarap 'yan apo. Tikman mo. Hipan mo muna at mainit pa ang sabaw." ngiting sabi ng matanda. Sa nakikita ko sa mata ng matanda ay masasabi kong nangulila siyang tunay sa apo.



Hindi sinunod ni Cian ang matanda. Imbes na hipan ang sabaw, ay inamoy niya ito. Matalim niyang tinignan ang matanda.



"Tiger" sabi ni Cian. Nagulat na lang ako nang may tumahol at lumapit na aso sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya at tinignan ang ibang tao.



"Smell this" sabi ni Cian at pinaamoy sa aso ang pagkain. Malakas na tumahol ang aso tila hindi ito mapakali.



"You think so too" sabi ni Cian sa alaga.



"Bakit ka nagdala ng hayop dito, apo! Hindi pwede ang asong iyan dito! Malaki at sobrang lakas nitong tumahol!" reklamo ng matanda pero hindi siya pinansin ng apo.



"Go get my silver spoon" utos ni Cian sa alaga na kumaripas ng takbo at bumalik na may kagat kagat na kutsara. Kinuha ito ni Cian at dahan dahang sumandok ng sabaw. Nagulat na lang ang lahat nang binato niya sa kung saan ang maliit na mangkok. The dog is growling too.



"You dare to poison me" walang ganang sabi ni Cian at pinakita ang kaninang silver na kutsara na ngayon ay naging itim.



"Poison?! Sinong—" naputol ang dapat na sigaw ng matanda.



"Cut the crap" walang emosyong sabi ni Cian at hinila ako palayo.



"Go. Don't ever come back," sabi ni Cian.



"Oo nga" tulala kong sabi.



"I'll contact you" sabi niya kaya tumango na ako. Hindi na ako nagdalawang isip pa at umalis na sa lugar na iyon. Nakakatakot. Hindi ko inakalang iyon ang masasaksihan ko. Napapaisip na lang ako kung bakit ganon si Cian at bakit kakaiba siya. Ni hindi siya kayang mapaamo ng sarili niyang lola. Bakit kaya?



~~~


"Sinong nagluto ng pagkain at naglagay ng lason sa pagkain ng apo ko?!" the old hag shouted.



"A-Ako po ang nagluto, Madam. P-Pero wala po akong nilagay na lason. Wala pong lason dito, kahit tignan po ninyo ang mga gamit ko" the cook said, shivering.



"Check the maid's room. Kapag may lasong nakita, alam na ninyo kung ano ang gagawin sa kaniya." and the old hag walked out.



I eyed Mayette and I smirked as I saw her jump a bit when she caught me looking at her. She managed to show a weak smile and walked away. I looked at the cook in front of me.



Waves Trilogy 1: Waves of Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon