Phase 39
Vow
Third Person's POV
Kumalas sa yakap si Praxedes at naluluhang hinawakan ang pisngi ni Lux. Emosyonal na rin ang binata pero pinilit niyang pigilan ang maluha.
"H–Hindi po ako si Franxisco.." utal na sabi ng binata. "Ako po si Lux. Ang panganay na anak ni Franxisco" dugtong ng binata na naging dahilan ng pag-uunahang pagbagsak ng luha ng matanda.
"Alam mo bang ako ang ina ni Franxisco?" nabasag ang tinig ng matanda. Tinanguan naman siya ng binata.
"Ibig sabihin.. Lola mo ako" umiiyak na sabi ng matanda.
"Opo, L–Lola" sabi ng binata. Nagyakapan ulit sila at natigil lang nang mapansin ng matanda na wala na si Praxiscian.
"Nasaan si Praxiscian?" tanong niya sa kasambahay.
"Nakita ko pong tumakbo, Madam. Umalis po ata.." yukong sagot ng kasambahay. Nagkatinginan ang mag-lola at napabuntong hininga.
"Hayaan na muna natin siya. Nagulat siguro.." sabi ng matanda at tinitigang muli ang apong ngayon niya lang nakilala.
"Galit po siya sa akin.." bigong sabi ng binata.
"Wag kang mag-alala, apo. Kakausapin ko si Praxiscian." sabi ng matanda at ngumiti.
"May karapatan naman po siyang magalit. Ilang taon siyang mag-isa at pilit na hinahanap sina mama. Pero pinili kasi nina Lolo na magtago" namomroblemang saad ng binata.
"Anong.." gulong sabi ng matanda.
"Buhay po sina Lolo, Mama at Papa" sabi ng binata. Natutop ng matanda ang kaniyang labi sa rebelasyong narinig. Nilapitan siya ng binata at inalalayan.
"Kailangan po ninyong magpahinga. Alam ko pong nagulat kayo sa nangyayari" sabi ng binata at inalalayang umupo ang matanda.
~~~
Lux is my brother..
Iyon ang paulit-ulit kong naiisip. For years, I thought I was an only child.. tapos malalaman kong may Kuya ako.
Paano nangyari ito? Paanong hindi ko alam? Bakit hindi sinabi nina Mama noong maliit pa ako? Bakit kailangan kong malaman sa ganitong paraan?
Napasigaw ako sa inis at inihinto ang kotse. Sinubson ko ang mukha ko sa manibela. Mahina kong inuuntog ang sarili ko habang patuloy na iniisip ang mga nalaman ko ngayon lang. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gusto kumawala. Matagal na noong umiyak ako kaya hindi ako sanay na ganito ang nararamdaman ko.
Nang marinig ko ang tunog ng ambulansya ay unti-unti akong umangat ng tingin. Nasa tapat na pala ako ng hospital. Ang hospital kung saan nagta-trabaho si Sean. Dahan-dahan akong lumabas. Tumawid ako ng walang pakialam kung masasagasaan ako. Malapit lang naman ako sa hospital eh.
Rinig ko ang busina ng mga sasakyan pero dahan-dahan pa rin ang pagtawid ko. Nanlalabo ang mga mata at pakiramdam ko ay hinang-hina ako. May isang babaeng nurse na nakakita sa akin kaya tumakbo siya at inalalayan ako.
"Okay ka lang ba, ma'am? May masakit po ba sa inyo?" magalang niyang tanong at akmang isasama ako papasok ng hospital. Pinigilan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Waves Trilogy 1: Waves of Smile
RomansaA girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memories that faded away, returned and haunted her. She didn't let it rule over her. Because she is...