Phase 4

23 2 0
                                    

Phase 4

Reunited

"Nandito na tayo," said Luke. She just stared at the mansion where she lived fifteen years ago.


"I'll walk on my own," she said, leaving her luggage. Dahan dahan niyang binuksan ang gate. Isang hakbang pa lang ang nagawa niya nang may dalawang lalaking naka purong itim ang sumulpot at agad siyang tinutukan ng espada. She carefully stepped back her injured foot.


"Drop your swords," she said. Tinignan lang siya ng mga ito na parang hindi siya narinig. She lazily took out her sword and showed them the name engraved in cursive letters, making it look powerful.


Luxio


"Grand daughter" she said, giving them the only hint she can provide.


Pero hindi ata nakuha ng mga ito ang sinabi niya. Mabilis niyang itinutok rin ang kaniyang espada. Sinubukan niyang hawiin ang dalawang espada pataas. It made their sword fly up in the air but they manage to quickly catch it. At tuluyang nagkagulo. Hindi man lang tumagal ng dalawang minuto para mapatumba ang dalawang kaharap. Pareho niyang sinugatan ang paa ng dalawa.


Napalingon siya sa iba pang mga papalapit na mga lalaking naka itim.


"Cian!," Luke shouted worriedly.


"Get back in the car," walang emosyong sabi ni Cian bago bumaling sa mga lalaking sabay sabay sumugod sa kaniya.


Napapikit si Luke kung gaano ka brutal ang nakita niya. Gamit ang espada ay sunod sunod na sinaksak ni Cian ang kaharap. Kitang kita na tumatagos ang espada niya sa katawan ng mga lalaki. Bumaling naman ito sa gilid niya at sinugatan sa braso. Napasigaw naman si Luke nang nakita niya kung paano walang awang hiniwa ni Cian ang lalaki sa leeg nito. Ang ibang nasugatan ay bumabangon muli at sinisipa naman ni Cian. Sa dami ng mga lalaki ay hindi kakayanin ito ng isang babae pero nakakamanghang marami na siyang napatumba at wala man lang siya kahit isang maliit na sugat. Patuloy ang nagkakalansingang tunog ng mga espada.


Tila napigtas ang natitirang pasensiya ng babae nang makitang may paparating ulit na mga lalaking naka purong itim. Nadagdagan na naman ang kaniyang kalaban. Puro leeg ng kaharap ang kaniyang pinuntirya. Mabilis siyang natigil nang nasagi ang kaniyang paang namamaga. It felt strange and every time she feels that strange feeling her mom says something is wrong with her body. That strange feeling is pain. She held her foot.


Huli na nang makita niyang pinapalibutan na siya ng mga lalaki at nakatutok ang kanilang mga espada sa kaniya. Itinukod niya ang espada niya at dahan dahang tumayo. Handa na siyang makipaglaban ulit nang umalingawngaw ang isang sigaw, sigaw ng matanda.


"Tigil!" agad na tumayo ng tuwid ang mga lalaki dahil sa sigaw na iyon. It made her smirk. Nakatalikod siya at hindi niya pa nakikita ang sumigaw pero naaalala niya ang boses nito.


"Ano ang nangyayari dito?!" galit nitong tanong. Sobrang tahimik at ang tanging naririnig ay ang nakakairitang tunog ng kaniyang mga yapak at sinundan pa ng tunog ng takong.


"Calm down, Mama" mahinhing sabi ng babaeng nakasunod sa matanda. Nanatili namang nakatalikod si Cian.


"Sino ang babaeng ito?" supladang wika ng matanda.


"Nasa kaniya ang nawawalang espada, Madam." mahinang bulong ng isa sa mga lalaki.


"That's impossible!" sigaw ng matanda.


Dahan dahang humarap si Cian nang nakayuko. Inangat niya ang tingin sa matanda. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kita ang gulat, takot, at pag-aalala sa mukha ng matanda.


"You don't recognize me?" Cian asked, smirking. Her fiery eyes and with the blood stains on her cheek made her look so dangerous.


"Anak!" iyak ng isa sa mga kasambahay. Naputol ang tinginan ni Cian at ng matanda at tinignan niya ang babaeng tumatakbo palapit sa kaniya. Agad itong yumakap kay Cian habang umiiyak.


"Saan ka galing at ngayon ka lang nakabalik! Jusko! Bakit ngayon ka lang, anak" iyak ng iyak ang kasambahay na dating umaalaga sa kaniya.


"I don't know you" malamig nitong sabi kaya napabitiw ang kasambahay. Ngumiti ito at nagpunas ng pisngi.


"Ayos lang, anak. Bata ka pa lang noong nawala." ngiting sabi nito. Hinawakan niya ang mukha ng alaga at pinunasan.


"Naku! Ano ba ang ginawa ninyo at nadungisan ang magandang mukha ng alaga ko!" galit nitong baling sa mga lalaki.


"Leave us" utos ng matanda kaya napalayo ang kasambahay sa alaga at ang mga lalaki ay umalis.


"Why are you here?" tanong ng matanda nang silang dalawa na lang ang naiwan.


"To surprise you" sagot ni Cian.


"I am surprised. You may now leave" sabi ng matanda at tumalikod na.


"Any land I step on.. is mine. If you want me to leave, how about.." binitin nito ang sasabihin at napaharap ang matanda.


"You make me?" ngising dagdag ni Cian. Natahimik ang matanda at galit itong nakatingin kay Cian.


"Nanatili ka na lang dapat sa Mental Hospital! Mukhang hindi ka pa magaling at hinayaan ka nilang makatakas!" gigil na sigaw ng matanda.


"English" tamad na sabi ni Cian. Ngumisi naman ang matanda.


"Ayoko. Wala akong pakialam kung hindi mo ko maintindihan basta masabi ko lang kung ano ang gusto kong sabihin." matigas na sabi ng matanda at tumawa.


Maya maya ay lumapit na si Luke dala dala ang military bag at mga bagahe ni Cian.


"Lola!" maligayang bati ni Luke at kumaway pa sa matanda.


"Oh, Luke! Hindi ko aakalaing may gwapo na bibisita sa akin!" ngiti ng matanda kay Luke.


"Sinundo ko lang po si Cian at hindi niya kasi alam ang daan patungo dito. She injured her right foot po. I suggest, tawagan po natin ang family doctor ninyo para magamot po ang paa niya." sabi ni Luke at tuluyang lumapit sa dalawa.


"I need three men to take my grand daughter's luggage!" utos nito at lumabas naman sa kung saan ang mga naka purong itim na lalaki. Agad na iniharang ni Cian ang kaniyang espada.


"No touch," sabi ni Cian sa mababang boses. Sapilitang binaba ni Luke ang espada nito.


"Wag na po, lola. Ako na lang magdadala nito." sabi ni Luke at nauna nang maglakad papasok ng mansion. Bumaling naman ang matanda sa tatlong lalaki.


"Okay. Tell Mayette to call Doctor Perocho. My grand daughter needs to be treated." utos nito.Naglakad palapit ang kaniyang apo at tumigil sa gilid niya. Inilapit nito ang labi sa kaniyang tainga.


"You're sick, lola" bulong nito at diniinan ang huling salita bago naglakad papasok ng mansion.


~~~

To be continued..

Waves Trilogy 1: Waves of Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon