Phase 9
Met
"Let me out" malamig na sabi ng batang babae. Ang kaniyang maliliit na kamay ay mahigpit na nakahawak sa espada.
"Bilin ng madam na bantayan ka habang may inaasikaso pa siya." sabi ng heneral ng mga tauhan.
"Okay, then" simpleng sabi ng bata at basta na lang sumugod.
Ang mga bantay naman ay ilag lang ng ilag. Hanggang sa naging mabilis ang galaw ng bata at nasugatan ang isa sa mga bantay. Napapikit ang bata nang tumalsik ang dugo sa kaniyang mukha. Natigil ang lahat at inalalayan ang may sugat. Ang heneral ay lumapit sa bata at lumuhod upang magpantay ang kanilang tingin.
"Ngayon ko lang nalaman na mas delikado kapag nakabangga ang apo kaysa sa lola.. o lolo" ngising sabi ng heneral.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang bata at hiniwa ang pisngi ng kaharap. Napahiyaw ito sa sakit. Tumakbo naman ang bata habang winawasiwas ang espada kaya napapaatras ang iba pang bantay. Ang kadenang nakapulupot sa gate ay pinutol ng bata. Nang makalabas ay takbo siya ng takbo.
Tuluyan siyang nakalayo at may truck ng mga prutas na nasa gilid. Lumapit siya dito at kahit nahihirapan man ay sapilitang inangat ang sarili para makasakay rito. Gusto niyang manatiling gising at alerto pero dahil sa pagod ay nakatulog siya.
Nagising na lang nang biglaang huminto ang truck at nahulog ang prutas sa kaniyang mukha. Bumangon siya at dahan dahang bumaba ng truck.
Naglakad siya kahit hindi niya alam kung saan siya patungo. Ang hindi niya alam ay may batang lalaking nakakita sa kaniya sa hindi kalayuan. Sinundan siya nito hanggang sa makarating sa tabing dagat.
~~~
"Ma'am Ace?" tawag ni Alexia.
"What?" sagot ko at sandaling tinigil ang ginagawa.
"Handa na po ang pagkain sa baba" sabi nito at pilit na pinipihit ang door knob pero naka-lock ito.
"I'll be there in a few" sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Pang-limang "I'll be there" mo na yan!" reklamo ni Mama Tessa.
Hindi ko na sila pinansin at nakatutok lang sa ginagawa. I'm nearly done with assembling my sunglasses. After this, I will just do some encoding and all for it to be perfectly done. But my problem is the chip. I'm not sure if I can make a microchip out of my ready-made chips. Another problem is all of my ready-made chips were left in Germany. Well, even my clothes were left there.
I did not bring my phone with me so I got no choice but to go out and eat first so I will not receive an earful from Mama Tessa.
Habang kumakain ay nakatitig sakin si Mama Tessa. I know she wants to ask why I suddenly disappeared yesterday. Binilisan ko ang pagkain at mabilis na nagtungo sa kwarto ko. Tumawag na agad ako kay mama.
"Az, kung tungkol na naman 'to sa unan mo—"
"I need to go back to Germany" mabilis kong sabi.
"Ano? Bakit?"
"I'm making something here and the important piece is left there in my room. Nobody can find it but me"
BINABASA MO ANG
Waves Trilogy 1: Waves of Smile
عاطفيةA girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memories that faded away, returned and haunted her. She didn't let it rule over her. Because she is...