Phase 35
Fear
Pagkatapos namin sa dating school ni Sean ay pumunta kaming restaurant. Nag-aalinlangan ako kung kakain na ba ako o hindi. Nilibot ko ang paningin at kumakain rin ang iilan at wala namang nangyari. Kinumbinsi ko muna ang sarili ko bago nagsimulang kumain.
"Are you okay?" maingat na tanong ni Sean nang mapansing kakasimula ko lang kumain. Dahan-dahan akong tumango. Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain. Saka na nagsalita si Sean nang tapos na kami.
"So.. what's your favorite food, Cian?" tanong niya. Napatitig naman ako sa kaniya.
"Is that necessary?" balik kong tanong.
"What?" natatawa niyang sabi, naguluhan sa sinagot ko.
"Do I need to have a favorite food?" natawa siya sa sinabi ko.
"So, you have no favorites? Like color, movie and so on?" I just shook my head.
"Should I be your first favorite?" kagat-labing sabi niya.
"Favorite what?" tanong ko pa.
"Favorite person, favorite doctor, favorite suitor.." sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya tumawa siya.
Hindi na kami nagtagal pa sa restaurant at inuwi niya na ako. Ngiting ngiti si Alexia nang makapasok na ako.
"So.. kamusta ang first date?" panunukso niya.
"Good." tanging sinagot ko at umakyat na sa kwarto ko.
Kinaumagahan, nagising ako na nagkakagulo na sa labas nang bumaba ako.
"Hindi tayo hahantong sa ganito kung hindi ka lang nakialam!" sigaw ni Mama Tessa.
"Makikialam talaga ako kasi iyon ang bilin sa akin ng Madam– Ang protektahan ang nag-iisa niyang apo!" sigaw pabalik ni Alexia.
"What is going on?" singit ko at dumiretsong ref para kumuha ng tubig. Uminom ako at saka humarap sa kanila. Magulo ang buhok ng dalawa. Matalim ang tingin sa isa't isa.
"Mag-usap tayo, Ma'am Ace" sabi ni Alexia. Bumaling ako sa kaniya at nagtanong.
"Where's Zemn?"
"Maaga pong umalis" sagot niya. Tumango ako saka bumaling naman kay Mama Tessa.
"We'll talk, Mama Tessa" sabi ko. Umangat naman ang tingin niya at alinlangang tumango. Tumalikod na ako at pumuntang sala. Saka naman sumunod si Mama Tessa.
"I heard from Alexia that you tried to poison me" panimula ko. Pasimple kong tinignan ang orasan. Where the hell is Loverous?
"Maniwala ka man o hindi, hindi ko gusto ang ginagawa ko" yukong sabi niya nakatingin pa rin ako sa orasan.
Hindi na ako mapakali at tumayo na ako at tinawag si Alexia.
"Alexia, call Loverous" utos ko. Mabilis namang sinunod ni Alexia at sabay silang bumaba ni Loverous. I looked at him sharply. This bastard, really..
"Isn't it time to go to work, Loverous?" inis kong sabi. He's not the only one who's still sleepy.
Hindi siya sumagot at basta na lang lumabas. That Bastard.
BINABASA MO ANG
Waves Trilogy 1: Waves of Smile
RomanceA girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memories that faded away, returned and haunted her. She didn't let it rule over her. Because she is...