Phase 16
Surprise
Tutok ako sa screen ng laptop ko at kasalukuyang tinitignan si Renz Choi na naglalakad kasama ang kaniyang bodyguard.
"Fan and Fun. Now." sabi ko at nakita kong magsimulang maghabulan ang dalawa. Papalapit na sila sa target pero agad na nakaiwas ang mga ito bago pa man sila magkabanggaan.
As expected..
"Girls, Now" sabi ko. Malayo pa lang ay tumatakbo na sila papunta sa target. Nang makalapit sila ay kunwaring niyayakap nila si Renz Choi. Aakalain niyang mga fans niya lang ito dahil dati rin siyang naging artista.
"Majesty, Z-in-oom ko po at nakikita kong bahagya niyang tinatakpan o pinoprotektahan ang right part ng pants niya" sabi ni Nia.
"Girls, try to touch his right thigh. If there's a small box, jump if there's none try to touch his upper body.. it might be in his coat." sabi ko at hinintay ang kanilang gagawin. Bigla ay hinawi sila ng bodyguard ni Renz at wala man lang akong natanggap na signal.
Saan niya posibleng nilagay?
"Everyone, do not make a move. I repeat, do not make a move." nagmamadali kong sabi nang may mapagtanto ako. Agad naman akong nag type sa laptop ko.
"What's wrong?" Zemn asked.
"Hindi niya dala ang singsing" sabi ni Nia.
"Yeah, but he has a secretary," sabi ko.
"Nauna na siya at nasa kaniya ang singsing. Mautak rin iyang Renz, ah" sabi ni Nia.
Lumabas ako at sumakay sa kotse ko. Mabilis ko itong pinatakbo at tinungo ang daan kung nasaan ang secretary ni Renz.
"Majesty, are you driving your car?" tanong ni Zemn.
"I'm still in the van," sagot ko
"I am in the van. Where are you going?" pasigaw niyang sabi kaya nag disconnect na ako.
Nang makarating ako sa isang mamahaling restaurant ay inayusan ko muna ang sarili ko. Wala na akong panahon para magtago sa mga CCTV.
I entered the restaurant elegantly. Umupo ako malayo sa table ng babae. I raised my hand gracefully to call the waiter but it seems that I got everyone's attention. Tumingin tingin ako sa menu at ni isa ay wala akong nagustohan. Tinuro ko na lang sa waiter kung ano yung nakita kong mukhang masarap.
I was trying to access the restaurant's CCTV using my phone and I'm taking too much time.
Come on..
Ilang minuto lang ay dumating na ang inorder ko. Nagdadalawang isip ako kung kakain ako o ano kasi nasanay akong tini-test muna kung may lason ang pagkain ko. Sumubo ako ng isa at binaba ko na agad ang kutsara.
Nang sumulyap ako sa gawi ng babae ay nakita ko siyang may kausap sa phone at nakatingin sa kaliwang kamay niya. She's smiling like an idiot while staring at the ring. Tumayo ako at sinadyang dumaan malapit sa kaniya para marinig ang sasabihin niya.
"Ang tagal mo naman.. Okay lang.. Sige.. Ingat ha?" iyon lang ang narinig ko at tuluyan na akong pumuntang CR.
Nag-connect ulit ako at si Nia agad ang kinausap ko.
BINABASA MO ANG
Waves Trilogy 1: Waves of Smile
RomanceA girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memories that faded away, returned and haunted her. She didn't let it rule over her. Because she is...