Phase 32
Confused
May isang lalaking lumapit sa akin.
"Magandang hapon—" natigil siya sa pagsasalita at napahawak sa tainga. Nilibot ko ang mata ko at lahat ay nakahawak sa tainga at parang may pinapakinggan.
"Do you know me?" malamig kong tanong. Pigil pigil ang galit at baka bigla na lang akong sumabog dito.
Hindi na ito nagsalita at yumuko na lang.
They bowed as a sign of respect.. It's impossible that they don't know me!
"Do you know me?" ulit ko sa mas malakas na boses.
Walang sumagot kahit isa.
Huminga muna ako ng malalim saka kinuha ang phone ko. Inipon ko lahat ng disiplina para sa sarili para lang hindi baril ang mabunot ko. Kinalikot ko ang phone ko at dito talaga sa rest house na ito ang tinuturong lokasyon.
"I'll get inside" sabi ko at naalarma silang lahat.
"Uh.. h–hindi po pwede, ma'am" yukong sabi ng lumapit kanina sa akin. Bago pa ako makasagot ay umilaw na ang phone ko. Sinagot ko naman ang tawag.
"Lux.." malamig kong bungad.
"Majesty, what are you doing? My men told me about your arrival." sabi niya sa kalmadong boses.
"Your men.. bowed to me as if they know me.." sabi ko at pumikit ng mariin, pinipigilan ang galit sa loob-loob ko.
"What?" sabi niya, naguluhan.
"I want to get inside" mabilis kong sinabi.
"I'm sorry but you can't, Majesty"
"Why?" tanong ko agad.
"Because—" agad ko siyang pinutol.
"Because you're hiding something from me!" gigil kong sabi.
"What? Majesty, calm down. I have nothing to hide" nanliit ang mata ko sa sinabi niya.
"Uh–huh.." sarkastikong sabi ko saka pinatay ang tawag. Agad kong binalingan ang lalaki.
"I'll get inside" malamig kong sabi dito. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot, agad na akong nagtangkang pumasok pero hinarang nila akong lahat. Konti na lang ay mawawalan na ako ng pasensya at magwawala na nang bumukas ang pinto ng rest house.
"Tumigil ka, Praxiscian!" sigaw sa akin ni Praxedes.
Kunot noo ko siyang tinignan. "Why are you here?" tanong ko.
"Ako ang dapat na magtanong niyan sa iyo. Why are you here?" balik niyang tanong at lumabas ng bahay.
"I'm searching for something" tumawa siya sa isinagot ko.
"Patay na ang mga magulang mo. Patay na rin ang Lolo mo. Ano pa ba ang hahanapin mo, apo?" ngising sabi niya.
Hindi ko na siya sinagot dahil ramdam ko nang napigtas na ang pasensya ko. Tumalikod na ako at nagpasyang uuwi na lang.
BINABASA MO ANG
Waves Trilogy 1: Waves of Smile
RomansaA girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memories that faded away, returned and haunted her. She didn't let it rule over her. Because she is...