Phase 8
Realization
After how many weeks of staying in the cursed mansion, I'm now heading to my own house. I'm with Mama Tessa and Alexia, of course Luke is our driver again.
"Mukha kang zombie talaga" Mama Tessa said for the nth time.
"Oo nga. Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong pa ni Luke.
"I keep on having nightmares on that mansion. So I stopped sleeping."
"Sira na ba ulo mo?!" sigaw ni Luke.
"Kaya pala minsan three days straight kang tulog" wala sa sariling sabi ni Alexia.
Palagi kong napapanaginipan si mama pero yung panaginip ko kagabi ay tungkol sa batang lalaki at batang babae.
They were running. Or should I say.. they were running away? I did not see if someone was chasing them but they keep on looking back. Tuluyan silang nakalayo at tumigil sa gitna ng kagubatan. Hinawakan ng batang babae ang kaliwang banda ng tiyan ng lalaki.
"You're bleeding" hinuli ng batang lalaki ang kamay niya. Umangat ang tingin niya sa batang lalaki nang pinagsalikop nito ang kamay nila.
"I'm fine," ngiti ng batang lalaki.
Binawi ng batang babae ang kamay niya at umatras. Hindi man lang siya nagulat nang tumama ang sariling likod sa malaking kahoy. Lumapit naman ang batang lalaki para alalayan siya.
"May sugat ka sa likod!" sigaw ng batang lalaki. Agad na tinakpan ng batang babae ang bibig ng batang lalaki.
"Don't shout, dummy" sabi ng batang babae.
"Ang cute mo magalit" sabi ng batang lalaki at tumawa. His laugh faded and I woke up.
"Ano? Tutunganga ka na lang diyan?" tanong ni Luke. I went out and scanned the area.
"Ay hindi ako nainform na mansyon rin pala ang pinagawa mo" ngiwing sabi ni Mama Tessa.
"Ang ganda.." tulalang sabi ni Alexia.
"Gusto ko dun sa nadaanan nating beach!" napalingon ako kay Mama Tessa.
"Beach?"
"Oo! May beach! Bakit? Hindi mo ba nakita" I shook my head and started to walk towards the gate. I opened it.
It is such a big house. Pumasok ako at bumungad sakin ang chandelier. It is so simple at the first look but when you take a look again and focus on it's details, kahit alikabok ay mahihiyang dumapo dito. Sunod kong pinuntahan ang magiging kwarto ko. From the door, the walls, the curtain, the bed and pillow is all black. Napansin kong dalawa lang ang unan ko kaya tumawag ako kay mama."Ma, nandito na kami sa bagong bahay," panimula ko.
"Oh? May problema ba?" tanong niya.
"You know I need seven pillows. I only have two" reklamo ko.
"Jusko Az! Kumuha ka na lang sa ibang kwarto!"
"Ayaw ko ng kulay puti" walang ganang sabi ko.
"Ayaw mo rin naman ng itim ah? Ayaw mo lang na nakikita ang dumi hindi rin naman ikaw ang maglalaba."
"Fine" sabi ko at ibababa na sana ang tawag.
"May grupo ka na, Az" seryosong sabi niya.
"What? How?"
"Ang nilagay kong tatay ay si Boss Vallen kaya.."
"You fooled the IISS?" but that's impossible.
"Alam mong hindi sila naloloko" tumango ako at may napagtanto
"A member of Schadel is also in the IISS." sabi ko. Tumawa si mama.
"Bingo!"
"I want Luke in my team," natigil siya sa pagtawa.
"Ano? Bakit?"
"I need someone I can trust in my team"
"Pero.. kaya niya bang mamatay?" maingat niyang tanong.
"Hindi siya mamamatay" sabi ko sa mababang boses.
"Alam mong delikado ang mga misyon, Az!" sigaw niya.
"But I am way more dangerous than missions, mama. I won't let my comrades die." paninigurado ko.
"Do what you want, Az" matigas niyang sabi at binaba ang tawag.
Lumabas ako at pumunta sa pinakadulong kwarto. It's like a storage room. Different weapons and some things I needed. What caught my attention is the small dot near the light switch. I thought it was a button but nothing happened when I touched it. Napalingon ako sa ibang direksyon at nakita ko ang sobrang itim na sunglasses at isang magnifying glass. Lumapit ako at kinuha ang mga ito. And I wondered what these things are doing in a room full of weapon? It is just out of place.
Tinignan ko ang magnifying glass at lumapit sa maliit na tuldok katabi ng switch. Wala man lang akong makita. Binaba ko ito at ang sunglasses naman ang ginamit ko. Kahit saan ako bumaling ay wala akong makita dahil sobrang dilim. Naisipan kong itapat ang magnifying glass sa kung saan at may nabasa ako.
⬅️OPEN
Tinanggal ko ang sunglasses at sa maliit na tuldok pala ako nakatingin. Binalik ko ang sunglasses at tinanggal ulit. Ang arrow ay nakaturo sa banda ng switch. Nabuksan ko ito ng walang kahirap hirap at tumambad sakin ang isang red button. Pinindot ko ito at kumalabog ang puso ko nang bigla akong mahulog at sa isang kisap ng mata ay nasa likod na ako ng bahay at may daan pa akong nakita.
Naglakad ako at hindi ko alam kung saan ako patungo. Minutes passed and I saw a beach. I continued walking until the land turns to sand. I did not stop there. I continued walking and walking until I'm already in a forest. It was so peaceful not until I saw a big tree. And there I realized something.
"I.. was that little girl" I whispered to myself.
"But who is that boy I am with?"
~~~
To be continued..
BINABASA MO ANG
Waves Trilogy 1: Waves of Smile
RomanceA girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memories that faded away, returned and haunted her. She didn't let it rule over her. Because she is...