Pagmamahal nga ba?

38 1 0
                                    

Pagmamahal nga ba?

"Mahal pangakong habang buhay ika'y akin pagsisilbihan.
Ikaw ang reyna nitong aking kaharian,
mata mo'y hindi hahayaang luhaan
at sa piling ko'y di ka masasaktan."

Nagpabuga na lang ako sa hangin
at ang aking luha ay marahang palisin
Hiniling na sa bangungot na ito'y ako'y gisingin
dahil napakabigat nito sa aking damdamin

Sabi mo reyna mo akong ituturing
ako naman si tangang naniwala sa hari ng mga sinungaling
napakagaling mong maglubid ng buhangin
napaka talentado mo at ubod ng galing
Pangako mo'y habang buhay akong mamahalin at hindi paluluhain
Ngunit di ko sukat akalain
na ganito ang aking aabutin

Hindi ito ang pangarap kong buhay
ito yung malayo sa'yong mga pangakong binitawan
mga salitang iyong tinuran
noong tayo ay nagsisimula palang

Nasaan ang pangako ng pagmamahal?
Bakit di ko maramdaman?
Bakit puro sakit ang nararanasan?

Mukhang bangasan,
labing duguan
at puro pasang katawan.
Ito ba yung pagmamahal?

Pasensya na mukhang hindi tayo nagkakaintindihan,
magkaiba pala ang depinisyon ng ating pagmamahal.

Ito ang aking konsepto
para sa pag-ibig na puro.
Ito ay puno ng pag-aaruga at respeto,
dalisay at totoo.

Taliwas sa 'yong kahulugan,
puno ng pagdududa at di pagkakaunawaan.
Tiwala respeto ay wala ka niyan,
kaya't palagi mo akong pinagbuhatan ng kamay.
Ganyan ang depinisyon ng pagmamahal.

Akala ko paraiso ang aking na puntahan;
lugar na puno ng pagmamahal at kasiyahan.
Ngunit mali ata ang pinto ng aking mabuksan,
pinto pala ng imperyo ang aking napasukan!

Lugar na nababalot ng kadiliman
puno ng hinagpis at kapootan.
Ito ang aking magiging buhay
sa piling ng nagbabalat-kayong anghel na may sungay.

Uuwi ka sa bahay
na lango sa alak at pasuray suray
maghapon ang kinita ay iyon ng nilustay
sa alak sigarilyo at sugal

Nagbuhay binata ka na naman!
inom dito, sugal diyan
Nakalimutan  mo atang may pamilya ka nga uwian
may asawa't anak na sayo ay naghihintay

at sa pag-uwi mo ay mura at sapak ang abutin ko;
na tila by napaka walang kwenta kung tao
at ikaw ay napaka perpekto.

Pagmamahal na ba ito?
Para akong kumuha ng bato ng pinukpok sa aking ulo.

Mabulaklak na salita
ay isang na ngayong matalim na sandata
Mga salita ng dati-rati'y nag aalis ng kaba,
ngayon ang dulot na'y pangamba.

Mga kamay mong puno ng pag iingat
dulot nito'y pasa at sugat.
Mga kamay mong ubod ng bigat ay sa katawan ko lalapat.

"Ako'y di sasaktan,
di paluluhain na kahit minsan."
Kaya tanong ko sa kawalan,
nasaan ang mga pangako iyan?

Nasaan ang taong nagbitaw
ng mga salitang sa puso ko'y tumunaw?
Ang taong laman ng puso ko't isipan
at bumubuo sa akin na mga araw.

Tila ba'y nasa harap ako ng isang estranghero.
Ako'y nangangapa sayong pagkatao
dahil tuluyan ng nagbago,
malayo sa taong minahal ko.

Nasaan ang taong minahal ko?
Ang taong inibig ako ng totoo.
Siya'y maginoo at puno ng respeto.
Nasaan kana, Sinta ko?

When I Fell In LoveWhere stories live. Discover now