Torpe

57 2 0
                                    

Torpe
by WarriorMulan16

Dedicated to those person who doesn't have guts to express their feeling towards their love one's.

Alam mo ba yong pakiramdam pagkasama kita?

Yong tipong gusto kong tumalon sa tuwa

Dahil parang nanalo ako sa lotto kahit 'di naman tumataya

Yong tipong gusto kitang mayakap para madama mo kung gaano ako kasaya

Gusto ko sana, kaso naisip ko wala ka nga palang ideya

Di mo nga pala alam na gusto kita.

***

Lihim akong napapangiti kapag nariyan ka

Lihim akong umaasa na pareho ang ating nadarama

Lihim akong umiiyak kapag nasasaktan ka

***

Lahat ng aking nararamdaman ay ako lang ang nakakaalam

Tila isang sekretong mahigpit kong pinangangalagaan

Dahil ayaw ko itong mabunyag at ipangalandakan

***

TORPE yan ako, duwag akong sabihin ang nararamdaman ko

Natatakot akong malaman mong  ika'y  iniibig ko.

Natatakot ako, baka 'di mo ako gusto

Natatakot ako, baka ang pag-amin ko ay maging dahilan ng paglayo mo.

Natatakot ako na baka ang pundasyon kong binuo ay tuluyang gumuho.

Natatakot ako kaya wala akong lakas harapin ang aking pagkabigo.

***

Sana magkalakas ako ng loob na sabihing gusto kita

Ipaalam sayo kung gaano ka kahalaga

At sabihing kung gaano ako nahihirapan kapag nasasaktan ka

***

Pero sa isang duwag na katulad ko

'Di ko alam kung paano aamin ito

Yong makita ka palang sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko

Nangangatog ang mga tuhod ko sa tindi ng iyong epekto.

Paano kapag nagsalita pa ako? Baka nagkabuhol-buhol ang dila ko.

***

Sana biglang araw masabi ko ito sayo Na ika'y iniibig ko

Sana kung dumating ang araw na iyon

Ay malaya ka pa katulad ng isang ibon.

End

When I Fell In LoveWhere stories live. Discover now