Suko na ako!
WarriorMulan16
Mahal kita, pero ang sakit isipin na mahal mo'y iba.Ang sakit umibig sa may mahal ng iba
Ang hirap makipag-kompetensya sapagkat alam kong mas malamang siya.
Hindi dahil siya ang nauna,
Hindi dahil mas magaling s'yang pumorma
Hindi dahil lamang siya sa itsura. Kundi sa ideyang sa kanya ka masaya
At higit sa lahat ay mahal mo siya
***
Mahal kita kaya nga nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama
Nagagalit ako sa sarili ko sapagkat wala akong magawa kun'di titigan ka;
Titigan kung gaano ka kasaya sa piling n'ya.
Titigan kung paano kayo maglambingan sa isa't-isa.
***
Selos, panghihinayang at panibugho
Mga emosyong nararamdaman ng aking puso
Nagseselos ako dahil sa kanya umiikot and iyong mundo.
Nagseselos ako kahit wala ka naman sa'king gusto
Nagseselos ako kahit wala akong karapatan sayo.
Pero anong magagawa ko? Nagseselos ako kasi ikaw ang tinitibok nito
Ikaw ang tinitibok nitong baliw kong puso.
***
Kung alam ko lang na may mahal kana
Kung alam ko lang na sa aki'y may nauna na
'Di sana pinigilan ko itong aking nadarama
'Di sana noong una palang ang pagmamahal sayo ay naibaling sa iba.
'Di sana ako ngayon nahihirapan alisin ka sa aking sistema
Dahil kung alam kong sayo'y may nagmamay-ari na
Pipilitin kong supilin ang pagtingin sayo aking sinta
***
Pero huli na, yumabong na itong aking pagmamahal
Yumabong ng mabilis kumpara sa aking inaasahan
Pero ako'y nanghihinayang sapagkat itong pagmamahal na sayo'y inilaan...
Ay tila basurang para sayo'y walang saysay.
***
Ang sakit mong mahalin!
Tila ba tumalon ako sa malalim na bangin
Sumisid sa ilalim ng dagat na puro patalim
Ang sakit! Tila 'di ko na kakayanin.
***
Suko na ako!
Dahil kahit anong pilit ay wala akong pag-asa sayo
Suko na ako!
Dahil wala naman akong halaga sayo.
Suko na ako!
Dahil napakalabong maging tayo.
Suko na ako!
Kasi ipinauubaya na kita sa taong alam kong magpapasya sayo.
Suko na ako!
S'ya nga siguro ang nakatadhana para sayo; at ako ang kontrabida sa inyong kwento.
***
Masakit sa'kin na ika'y ipaubaya sa kanya
Pero mas masakit yong maging akin ka pero 'di ka naman magiging masaya.
Isusuko ko na ang kaligayahan ko para inyong dalawa.
Magpaparaya na ako para tuluyan kayong maging masaya.
End
Written last
April 14&15,2019
Thank you for reading
YOU ARE READING
When I Fell In Love
PuisiThis work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks.