Plagiarism is a CRIME
All Rights Reserved.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form without permission from the author."Friends Turn in to Strangers"
By: WarriorMulan16Dedicated to those person who fell in love with their friend or best friend
Ikaw yong taong sandalan ko kapag ako may problema
Iniiyakan ko kapag diko na kaya ang sakit na dinadala
Ikaw yong nagpapayo sa akin sa t'wina
Ikaw yong taong kagagawin ang lahat makita lang akong masaya.
Kaibigan ikaw yong taong nagbibigay sakin ng halaga at importansya.
***
Ikaw yong taong lagi kong kabiruanYong kabaliwan mong lagi kong sinasakyan
Mga biro at pambabara mo sabay nating tinatawan
Hindi lumilipas ang maghapon na hindi ako pinagtritripan.
Dahil tuwang - tuwa kapag ako' y naaasar.
***
Napakasarap na magkaroon ng kaibigan,Kaibigan na hindi lang sa tuwa ako' y sasaluhan
Kung hindi pati sa oras na ako' y nahihirapan
Kaibigan isang salita binigyan mo ng maraming kahulugan.
Kaibigan salita na nagpadama ng samo' t saring pakiramdam.
Isang salita nagbigay sakin ng iba' t - ibang dahilan:
***
Dahilan na ngumiti at tumawa, dahilan maging masaya.Pero kaakibat rin nito' y dahilan na maging malungkot sa pag- aalala.
Dahilan manibugho 'pag iba ang iyong kasama.
Dahilan matakot dahil ayokong mawala ka.
Yong araw na kasama ka, iyon araw na naramdaman kong 'di ako nag- iisa .
Yong araw na sabay tayong papasok sa eskwela.
Yong araw na lagi tayong naglalakwatsa
Bawat alaala ng ating pagsasama ay 'di mabubura.
***
Kapatid ang turing mo sa akin
Pero nagising ako isang araw na ayaw ko na itong tanggapin
Hinihiling kong baguhin mo ang iyong pagtingin
***
Hindi ko alam kong bakit nagkaganitoNaramdaman ko lang na bumilis ang tibok ng puso ko
Para bang nakikiagkarera sa sampung kabayo
Hindi naman noon ito ganito, kahit nariyan ka pa sa tabi ko.
Pero ngayon, malayo ka palang nagwawala na ito.
***
Sanay na akong iyong inaakbayanHindi narin bago yong paghawak mo sa aking kamay
Nasanay na ako dahil matagal na tayong magkaibigan
Pero sa 'di maipaliwanag na dahilan
Tila ba lahat ng yong galaw ay may kahulugan
YOU ARE READING
When I Fell In Love
PoetryThis work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks.