Walang Kamatayang Pagmamamahal

35 2 0
                                    

Walang Kamatayang Pagmamamahal

warriorMulan16

Nakaupot nagmamasid 

Sa payapa at bughaw na paligid

Hampas ng alon ang siyang naririnig

Kasunod ng paghuni ng ibon at mga kuliglig.

Ang lugar na ito ay saksi sa ating pag-ibig

Saksi sa lungkot, saya at pagkaligalig

Saksi sa lahat ng panaghoy at pasakit.

Ang lugar na ito'y pinaghalong lungkot at saya

Nagpapaalala ng pait at ligaya

Nagpapangiti at nagpapaluha ng aking mga mata

Nakapagpapanatag at nakapagpapawala ng damdaming nagbabaga.

Malayo ang aking tanaw 

Habang hawak ang piraso ng papel at lumang larawan

Muli ka na namang sumagi sa aking isipan

Nanumbalik na naman ang ating nakaraan

Ang masayang pagsasamang iyo ring tinuldukan

Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit mo ako iniwan

Kung bakit relasyon nati'y  napakadali mong winakasan

Sa isang iglap lang ika'y naglaho at iniwan akong luhaan.

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko ng binasa itong sulat mo

Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses na akong lumuha ng dahil dito

Dahil sa sulat na ito ay tuluyang gumuho ang aking mundo.

Tilang isang porselanang nasagi at nagkapira- piraso

Na kahit anong pilit ay malabo ng muling mabuo

Dahil wala ka, wala ka na sa piling ko.

Luha kong taksil ay muli na namang dumaloy

Muli na namang nangibabaw ang aking mga panaghoy

At mga daing ng kahapon.

Daing na paulit - ulit na sinasambit

Saya't pait na tila bangungot na nanunumbalik

Kailan? Kailan ba magwawakas itong mga pasakit?

Tila kahapon lang nangyari ang lahat

Malinaw pa sa aking alaala ang paghahabulan natin sa tabing dagat

Huntahan nating kay saya kasunod ng mga halakhak

Tampuhan natin at mga pag-iyak

Alaala ng pagsuyo at pag-aalay ng mga bulaklak

Upang tampuhan nati'y magwakas.

Narito na naman ako

Dito, dito sa lugar na kung saan tayo'y madalas magtagpo

Lugar na saksi sa iyong mga pagsuyo

Ang lugar na saksi sa aking mga panibugho.

Ang lugar kung saan tayo nagsimula

Lugar na saksi ng galak at tuwa

Lugar na saksi kung paano mo ako iniwan at binaliwala.

Mata ko'y sandaling ipinikit

Kasabay ng pagdilim ng paligid ay mga alaalang nanumbalik 

When I Fell In LoveWhere stories live. Discover now