Started date: November 06, 2018 Finished date: November 08, 2018
Spoken Poetry by:
WarriorMulan16The Wattpader is In Love. With Whom?
Sa dami- dami ng tao sa mundo may isang taong nakalaan para sayo.
Maaring yong lalaki na nakasabay mo doon sa kanto.
Maaring yang katabi mo sa sasakyan na sobrang seryoso.
'Di kaya yong nabunggo mo, dahil sa pagmamadali mo.
O, baka wala sa mundo ang magpapa- ibig sayo
Kundi nasa loob ng libro.
Namumula ka kapag siya' y iyong nakikita
Kinikilig ka sa kanyang mga lintanya
Makikita sa kislap ng yong mata kong gaano sa kasaya.
Kapag siya' y iyong kasama.
Iyon ang mga ilusyong nabubuo mo dahil sa pagkahumaling mo sa pagbabasa mo sa libro.
Akala mo nariyan siya... Akala mo palagi mo siyang kasama... Akala mo' y nakikita' t nahahawakan mo siya
Pero mali ka, dahil hindi mo siya makakasama at kailan man ay hindi kayo magiging masaya.
Dahil siya ang malaki mong panatasya.
Imulat mo ang iyong mata sa katotohanan
Na siya' y kathang isip lamang
Huwag kang umasa na lalabas siya sa librong kanyang kinaroronan
Upang pantasya mo' y bigyan ng katotohanan.
Napaakasarap sa pakiramdam na magiging masaya
Pero sasaya ka ba sa katotohanan na kayo' y hindi para sa isa' t - isa.
Malamang ay hindi, sapagkat sino ang matutuwa sa ideya na kailan man ay hindi kayo pwedeng magsama.
Umiyak ka man ng dugo at magmakaawa sa kanya
Na ika' y ibigin at bigyan ng importansya
Wala rin itong saysay sapagkat nasa libro s'ya
Wala itong saysay sapagkat hindi ka niya nakikita
Itigil mo na ang iyong kahibangan
Sapagkat sarili mo lang iyong sininasaktan
Ikaw lang ang mahihirapan ng lubusan
Tanggapin mo na ikaw ang talunan dito sa larong iyong sinumulan.
Tanggapin mo na ang pagmamahal mo sa kanya ang resulta' y kalungkutan.
End
Thank you for reading.

YOU ARE READING
When I Fell In Love
PoésieThis work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks.