Hadlang sa Pag-iibigan
by warriorMulan16Ito ang lagi mong tatandaan;
humadlang man ang mundo o kalawakan.
Kamay mo pa rin ang pipiliin kong hawakan,
kaya huwag mo sana itong bitawan.
Sabay nating lalampasan mga problemang daraan.
Haharapin ang sino mang humadlang
sa ating maiinit na pag-iibigan.Husgahan ka man nila't laitin.
Sabihin man nilang pag-iibigan nati'y walang mararating
at ang kinabukasan nati'y walang nining.
'Wag mo silang intindihin.
Sapagkat puso't isip ko'y sayo parin.
Ikaw at ikaw ang aking pipiliin.Sapagkat mga paratang nila'y walang katuturan.
Nais lang nilang dungisan ang 'yong ngalan.
Siraan ka sa aking harapan
at bigyan ako ng dahilan
upang ika'y aking iwan.Pero ito ang itaga mo sa bato, Sinta ko.
Pag-ibig ko sayo'y 'di magbabago.
Kalabanin man natin ang mundo.
Ikaw pa rin ang pipiliin ko.Sapagkat sayo ko naramdamam ang tunay na kasiyahan.
Dalisay at puro ang iyong pagmamahal.
Ika'y may respeto't paggalang.
Kaya't labis kitang minamahal.Kahit bilyon man ang tao dito sa mundong ibabaw.
Pag-ibig ko'y sayo parin iaalay.
Pangalan mo pa rin ang isisigaw.
Ipaglalaban ka hanggang sa huling hininga ng aking buhay
dahil ganun kita kamahal.

YOU ARE READING
When I Fell In Love
PoesíaThis work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks.