PROLOGUE

1.2K 28 5
                                    






SAMARAH'S POV:


"Bwesit naman oh!" Sinipa ko ang mga maliliit na bato.

Naka-upo ako dito sa park dahil kakatapos ko lang maghanap nang trabaho at kahit isa ay walang kumukuha sakin, siguro ay malas ako sa buhay charot kung malas ako edi sana ang panget ko, e kaso maganda ako.

Nakakainis talaga dahil wala akong trabaho, malapit na ang bayaran ko sa apartment at wala pa akong pera, kahit nga pang-kain ay wala ako. Bakit ba kasi ganito ang buhay ko? Malas ba talaga ako o sadyang ganito lang ang buhay?

Napangiti ako ng mapait nang may dumaan sa harap ko na pamilya, ang lalaki ay buhat ang anak nila at ang isang braso ay naka-akbay sa mga balikat nang asawa nito.

Ang sakit niyo sa mata.

Umaandar na naman ang pagka-bitter ko sa buhay, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa forever pero naniniwala talaga ako na ang lahat ay may katapusan kagaya na lang nang utang ko kay aling Beth na babayaran ko sa katapusan.

hyst.

"Sana may chicken joy na mahulog dito sa lamesa." Munting hiling ko.

Pero alam ko naman na walang ganun, pero hinihiling ko talaga na sana ay may mahulog mula sa langit na pagkain. Uy ice-cream!

Tumayo ako at saka ako bumili nang ice-cream may sampung piso ako dito na sukli kaya naman bibili ako.

Pagka-bili ko ay sa bench na ako umupo hindi pinansin ang mga taong dumadaan at mga batang naglalaro dahil busy ako sa ice-cream ko.

Malapit nang maubos ang ice-cream ko nang may lumapit sakin, nakita ko ang dalawang pares nang sapatos na mukhang mamahalin. Nakawin ko kaya toh?

Inubos ko ang ice-cream bago ko inangat ang tingin sa lumapit sakin at halos mapanganga ako sa sobrang gwapong nilalang na nandito sa harap ko.

Lord chicken joy po ang hiling ko, hindi ganto.. i mean oo masarap toh pero waaaa!

"Ahm, may kailangan ka po?" Tanong ko dito sa lalaking alagad ni lord.

"Hindi mo ako kilala?" Tanong niya, nagtaka ako kaya tumayo ako.

"Pano kita makikilala e ngayon lang naman tayo nag-kita." Sabi ko.

"Stop prentending." Piste inenglish ako! Lugi ako don ah.

"Kuya, hindi po kita kilala ok." Sabi ko. "Nananahimik ako dito tapos lalapit-lapit ka?" Dugtong ko.

Tinitigan lang ako ni kuyang-pogi kaya naman nakipagtitigan din ako, sino nagsabing malas ako? Tingnan niyo nga may alagad ni lord dito sa harap ko. Tubos-tubosin na natin Sam minsan lang toh sa buhay.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya na isturbohin ka." Ay nagsorry! "Akala ko kasi ikaw yung.." Sino kaya?

"Kung nakikita mo sakin ang kung sino man yun, sorry po pero hindi ako yun."

"I know, again i'm sorry." Sabi niya at saka tumalikod.

Pero teka! Baka may alam siyang may naghahanap nang trabaho, pagkakataon ko na toh. Kaya naman hinawakan ko siya sa braso at saka naman siya lumingon sakin. Ang cold ng titig, painitin ko ba?

"Ahm, naghahanap kasi ako nang trabaho. Baka may alam kang naghahanap ng client, i know hindi pa tayo close pero kailangan ko e." Nahihiyang sabi ko. May hiya pa ba ako? Meron syempre sa ganda kong toh.

LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZONWhere stories live. Discover now