CHAPTER 7

452 17 8
                                    




SAMARAH'S POV:



"Uuwi na agad tayo?" Tanong ko kay Jace habang naka-nguso.

"We need to." Sagot niya at nginitian ako.

"Pwede bang magpaiwan muna ako dito?" Tanong ko.

"Okay lang, pero hindi na kita ipapasundo." Sabi niya kaya mas ngumuso ako.


Ayuko pang umuwi, nakakainis naman kasi ang Jace na toh. Pero kahit ganun nag-enjoy parin ako sa mga pinuntahan namin kahit na dalawang araw lang iyon. Pero sa dalawang araw na iyon ay may nabubuo at may namamagitan at paiiba samin. Ayuko sanang aminin pero siguro ganito talaga.

Sa dalawang araw na yun ay naging maalaga at napasaya niya talaga ako sa lahat nang mga efforts na napapakita niya sakin, at sa dalawang araw na yun narealize ko na nagkakagusto na ako sa kaniya hindi lang yun mukhang mahal ko na siya pero bahala na.


"Balik na lang tayo, wag kana malungkot diyan." Sabi niya pa at saka pinisil ang dalawa kong pisngi kaya naman pinalo ko ang kamay niya kaya agad niyang inalis sa pisngi ko.

"Kelan tayo babalik?" Tanong ko.

"Next next next year." Sagot niya at tumawa ng makita ang masama kong tingin sa kaniya.


Hinayaan ko siyang tumawa dahil gustong gusto ko talaga makita kapag tumatawa siya ng ganiyan dahil alam ko naman kapag maraming tao ay tahimik na naman siya o kaya tipid magsalita, kailangan kong tubos-tubosin itong oras na ito.


"Gwapong gwapo kana naman sakin." Sabi niya bigla.

"Kadire ka uy!" Agad akong tumingin sa bintana ng kotse.


Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya naman pumikit na lang ako ng mariin at saka kinastigo ang puso ko na parang lalabas na ano mang oras.








.
.
.
.


"Kinginang pilipinas toh ang init!" Reklamo ko dahil tanghaling tapat kami nakababa.

"Lets go." Ang baritonong boses ni Jace ang nadinig ko.


Agad akong sumunod sa kaniya habang hila hila ang maliit kong maleta at saka naman kami pumasok sa kotse niya at pinaandar iyon papunta sa bahay ko at saka nang makarating ay agad akong bumaba at kumaway sa kaniya at saka niya pinausad ang sasakyan paalis.

Namiss ko si betong..
Asan na kaya ang bungi na yun?



"Sam!" Speaking of bungi-este betong.

"Betong!" Sigaw ko din pagkalapit niya.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Tanong niya sakin.

"Namiss kita betong! Lalo na ang dalawa mong ngipin." Ngumiti ako ng matamis.

"Kababalik mo lang pero inaasar mo na ako." Sabi niya pa.

"Galing akong japan betong." Pagmamayabang ko.

"We? Japan?" Tanong niya pa.

"Oo nga, teka ah!" Sabi ko.


Kinuha ko sa maliit na sling bag ko ang phone ko at saka ko pinatingin sa kaniya ang picture ko sa japan para makita niya lang.


"Hala! Malamig ba doon?" Tanong niya.

"Oo betong! Para kang nasa ref!" Masayang sabi ko.

"May pa japan japan ka pero hindi ka nakakabayad ng utang sakin." Biglang dating ni aling Beth.

LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZONWhere stories live. Discover now