CHAPTER 15

273 13 10
                                    






SAMARAH'S POV:

Ilang linggo na ang lumipas at gulong gulo na ako sa nangyayari. Hindi na kami nagkakausap ni Jace, kung tratohin niya ako ay para bang wala kaming pinag-samahan.

Iyong Stephany ay parati na ring pumupunta dito sa companya at aalis silang magkasama ni Jace, hindi ko alam kung saan sila pumupunta dahil hindi naman sinasabi sa'kin ni Jace at mukhang wala naman siyang plano na ipaalam sa'kin.

Napag-isip isip ko na bakit niya nga ba sasabihin sa'kin, e wala naman kaming relasyon at hindi ko nga alam kung ano ako sa kaniya.

Kung utos utosan niya nga ako ay para bang isa akong katulong, nalilipasan na ako ng gutom dahil sa mga utos niya pero wala akong reklamo dahil nagtatrabaho ako sa kaniya.

Ngayon ay nandito ulit ako sa opisina at nag-aayos ng mga kailangan at handa ng umuwi dahil hindi naman pumasok si Jace at ang mga gawain niya ay ako na ang nag-ayos para naman wala na siyang masabi at hindi na ulit ako mapagalitan.

"Sam?" Nakasabay ko si Mark sa elevator. "Pauwi kana?" Tanong niya.

"Hm.. ikaw ba?" Tanong ko.

"Pauwi na din, sabay kana sa'kin." Sabi niya.

"Baka maabala kita, wag na." Tanggi ko. Pumayag kana! Libre na sa pamasahe e!

"Sige na Sam, minsan lang 'to." Sabi niya.

"Sige na nga, mapilit ka e." Sagot ko at tumawa siya.

Hinatid niya nga ako sa bahay at nagpasalamat naman ako sa kaniya. Ngayon mag-isa na naman ako at nilalamon na naman ako ng kalungkotan, hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko, nagiging iyakin na ako hayst.

KINABUKASAN ay maaga na naman ako sa opisina at pagkapasok na pagkapasok ko palang ay pinatawag agad ako ni Jace. Tuwang tuwa naman ako dahil ngayon na lang niya ulit ako pinatawag.

Nakangiti akong pumasok sa kaniyang opisina at saka lumapit sa kaniyang mesa, nag-angat siya ng tingin at halos manigas ako sa mga titig niya na sobrang lamig dinaig pa ang yelo.

"Jace?" Tawag ko sa kaniya nakangiti parin kahit kinakabahan na ako.

"You're fired." Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nawala ang ngiti sa labi ko.

"H-huh? B..bakit?" Tanong ko.

"I want you to quit this job, leave this company." Sabi niya. Nasasaktan ako. "I don't want to see you, i'm done with you." Dugtong niya.

Pagak akong tumawa. "Tangina, ganun na lang yun? Yun na yun? Walang rason?" Tanong ko.

"Wala tayong relasyon para magbigay pa ako ng rason sayo." Sabi niya, hindi inaalis ang tingin sa'kin.

"Kailangan ko ng rason Jace! Potangina kailangan ko ng rason kung bakit ang dali dali sayo na iwan ako! Na ang dali sayo na bitawan ako! Kailangan ko ng rason kasi tangina ginawa ko naman lahat ng inuutos mo! Ginawa--"

"Sariah is alive! She's fucking alive! The woman i love is alive! And she needs me!" Sigaw niya at pinalo pa ang mesa niya sabay tayo.

'Buhay si Sariah?'

'Buhay ang babaeng una niyang minahal.'

'Wala kang laban doon Sam! Gumising ka sa katangahan mo!'

Doon gumuho ang mundo ko, para akong winasak ng pinong pino. Ito na ang kinatatakutan ko ang maiwan na naman ng taong mahal ko.

Umatras ako at dahan dahan na ngumiti, isang ngiti na alam kong huli ko ng mapapakita sa kaniya.

LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZONWhere stories live. Discover now