SAMARAH'S POV:
Hindi parin ako nakakamove on sa halik na ginawa ko, isang araw na ang nakalipas pero tuwing na-aalala ko iyon ay sobra pa ako sa kamatis kung namumula dahil sa halik na yun.
Ngayon ay nandito na ako sa pwesto ko at inaayos ang schedule ni Jace, iwan ko nga at bakit hindi niya pa ako pinapatawag e kanina pa ako dito hanggang sa umabot na lang ng tanghali at hapon ay hindi parin niya ako pinapatawag.
"Uy!" Biglang may humampas sa aking mesa kaya naman tumingala ako.
"Siraulo ka talaga Mark." Inis na sabi ko dito at umayos ng upo.
"Tulaleng ka kasi." Sabi niya.
"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko.
"Paki-bigay naman netoh kay sir." Inabot niya sakin ang isang papeles.
"Oo sige, chupe na!" Pantataboy ko sa kaniya.
"Makapa-alis ka naman, building mo toh?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Bumalik kana sa trabaho mo." Sabi ko pa.
"Oo na! Oo na!" Sabi niya at saka sumakay sa elevator.
Umiling iling na lang ako at saka ako lumapit sa pinto ng office ni Jace at saka kumatok ng tatlo at saka binuksan na, at bumungad sakin ang bulto ni Jace na nakadukdok sa kama na parang tulog kaya naman agad ko siyang nilapitan. Hinawakan ko siya sa pisngi para sana gisingin siya pero agad kong binawi ang palad ko dahil sa sobrang init niya.
"Jace?" Kinapa ko ang leeg niya at sobrang init talaga. "Tss, may lagnat ka tapos pumasok kapa." Pangaral ko sa tulog na may lagnat.
Nilapag ko sa mesa niya ang binigay ni Mark na papeles at saka ko si Jace inasikaso.
"Jace.." tawag ko habang tinatapik ang pisngi niya. "Jace.." tawag ko ulit.
"Hmm?" Tanong niya.
"Doon ka sa sofa." Sabi ko sa kaniya.
Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya habang nakapikit parin at saka ko naman siya tinulongan na tumayo at dahan-dahan na dinala sa sofa para doon ihiga ng maayos, hindi ko pa siya pwede maiuwi dahil hindi naman ako marunong mag drive at saka malay ko ba sa bahay niya kung saan saan ang mga susi doon.
"Bakit ba kasi pumasok kapa kahit may lagnat ka?" Tanong ko habang pinapatay ang aircon.
"Tsk." Sinagot niya lang.
Kita mo toh, nagsusungit kahit may lagnat na.. e kung iwan ko toh dito at hayaan na manlamig at mamatay, joke pero syempre hindi pwede.
"Saan kaba kahapon at nagkalagnat ka? At saka bakit nagkalagnat?" Tanong ko habang naghahanap ng gamot sa mesa niya.
"N-naulanan a..ako." Sagot niya at umubo.
"Bakit ka kasi nagpaulan, hyst.. wala pang gamot dito." Inis akong napasabunot sa buhok ko.
Lumapit ako sa kaniya at saka ko hinaplos ang pisngi niya at saka kinapa ang noo, ganun parin ang init niya kaya naman umayos ako ng tayo.
"Bibili muna ako sa labas ng gamot at makakain mo, dito ka lang ah." Paalam ko sa kaniya at dahan dahan naman siyang tumango.
"M..make it quick." Bulong niya na narinig ko naman.
"Oo tatalunin ko si flash para sayo." Pagbibiro ko at narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
YOU ARE READING
LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZON
RomanceHow can you move on to someone who you really love? And how can you love again, when you love someone but it's already dead? Magiging masaya pa ba ako? Makakaya ko pa bang magmahal? -Jace Tuazon