SAMARAH'S POV:
Araw ng linggo at dapat nagpapahinga ako sa apartment ko pero itong si Jace ay sinama ako dito sa binyag, sabi niya ay kailangan niya daw ako doon kaya naman sumama na ako. 'Baka may libreng pagkain.'
Pagkatapos ng binyag ay pumunta kami sa village, akala ko ay sa bahay ni Jace kami de-deretsyo pero sa isang malaking bahay pala kami papunta, malapit lang siya sa bahay ni Jace. Lahat ng bahay dito sa village ay naglalakihan walang nagpapa-huli sa laki.
Pumasok kami ng gate at pagkapasok namin ng bahay ay bumungad samin ang mga tao 'alangan namang alien' ang nakaka-gulat lang ay halos lalaki ang karamihan, ang babae lang ay dalawa tatlo pala kasi ako ang pangatlo.
"Yo." Sabi ni Jace kaya napalingon lahat samin.
Lahat sila ay napahinto sa mga ginagawa naglalakad kasi sila palabas mukhang papunta sila sa likod ng bahay pero nahinto lang ng makita kami, lahat ng kalalakihan ang nagulat.
"She's alive?" Yung may hawak na bata ang bumasag sa katahimikan.
"Sino ang buhay?" Tanong ng bagong dating na babae.
"This is Samarah." Pakilala ni Jace sakin.
"Ah.. hi?" Ngumiwi pa ako, out of place atah ako.
"Uy! Sorry late ako! Grabe yung duty ko!" Biglang sulpot ni Carl sa likod namin. "Uy hi!" Bati niya sakin kaya ngumiti ako.
"Doon tayo sa garden." Sabi nung babae.
"Let's go?" Aya ni Jace kaya tumango ako.
Naglakad kami papunta sa likod ng bahay at tumambad samin ang mahabang mesa at nagkaniya kaniya na silang upo, uupo na sana ako sa tabi ni Jace ng hilain ako bigla nung babae at pinaupo sa tabi niya, nagreklamo pa si Jace pero pinakyuhan siya nitong babae.
"Dein." Sabi nung lalaki.
"Heh!" Sabi nitong Dein at lumingon sakin. "Ako si Jaydein, asawa ko ang punggok na yun pangalan niya Ervin." Tinuro niya ang lalaking sumaway sa kaniya kanina. "Ito naman si Jayvein anak ko, may kambal siya yun oh si Erjay." Sabi niya sabay turo sa lalaking nakikipag habulan sa dalawang bata. "At yung dalawang kambal anak ko ulit." Sabi niya pa.
"Samarah, sam na lang." Pakilala ko.
"Hmm.. girlfriend ka ni tito Jace ate Sam?" Tanong nitong si Jayvein.
"Secretary niya ako." Nahihiyang sabi ko.
"We?" Tanong ni Jaydein.
"Ah.. basta secretary niya ako." Sagot ko.
Nagkwentohan pa kami at saka kami nagsimula ng kumain pagkatapos kumain ay pinakilala muna sakin lahat ni Jace ang mga narito, lahat sila ay may kaniya kaniyang sinabi pero yung Leo lang ang nakapag-pangiwi sa labi ko dahil sa sinabi niyang.
"Ako ang pinaka-gwapo dito." Sabi ni Leo. 'Siguro dati siyang ipo-ipo.'
Nagpatuloy pa ang kwentohan namin hanggang sa tinanong na nila ako, para akong nasa tv at ini-interview ng mga nagsisikatan na tao dito. Ang iba sa kanila ay nakikita ko na sa tv at ang iba ay sa magazine.
"Are you related to Sariah?" Si Jaxon atah toh.
"Hindi." Sagot ko at umiling.
"Bakit kamukha mo siya?" Tanong nung Parker. 'Tanong mo kay lord, char.'
YOU ARE READING
LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZON
RomanceHow can you move on to someone who you really love? And how can you love again, when you love someone but it's already dead? Magiging masaya pa ba ako? Makakaya ko pa bang magmahal? -Jace Tuazon