SAMARAH'S POV:
Lumipas ang ilang araw ay madami na naman ang nangyari, naging mas busy kami dahil sa nangyari doon sa branch ng mall doon sa Makati, ilang araw kami nag stay doon at umuwi lang kami nang maayos na ulit ang takbo ng mall doon. Naging extra sweet at horny na din si Jace, parang pagkatapos ng kasweetan niya ay yugyogan na ang kasunod.
Napapa-iling na lang ako tuwing naalala ko ang mga pinag-gagawa niya sakin doon sa Makati.
"Hmm.. uwi agad tayo sa condo." Sabi ni Jace.
"Hindi mo pa nga tapos ang trabaho mo." Sabi ko sa kaniya.
"Gusto kita masulo." Bulong niya sa tenga ko.
"Hoy, mahiya ka nga." Pinalo ko ang kaniyang balikat pero tumawa lang ang loko.
"I want to marry you Sam." Sabi niya na ikina-tigil ko.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang conference room ng isang mall at naka-upo sa swivel chair si Jace at ako naman ay nasa kandungan niya at hindi na maka-galaw dahil sa kaniyang sinabi.
"W..wag kang magbiro ng ganiyan." Tumawa pa ako kunwari.
"Ayaw mo bang magpakasal tayo?" Tanong ni Jace ngunit hindi ako naka-sagot. "Okay lang hmm.. hindi ka pa atah handa mag-asawa." Sabi niya pa at hinaplos ang likod ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ba talaga ako handa o natatakot lang ako.
"Let's go, may pupuntahan pa tayo." Sabi niya na agad kong ikinatayo.
"Morning Sam!" Nabalik ako sa huwisyo dahil sa pagbati sakin ni Manong guard.
"Morning kuya." Bati ko pabalik.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng companya ni Jace, pumasok ako sa loob at saka ako sumakay sa elevator. Pagkalabas ko ng elevator ay saka ako lumapit sa aking table, mukhang wala si Jace kaya naman inayos ko na muna ang schedule niya ngayong araw pati ang bukas para bukas kaunti na lang ang gagawin ko.
Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang elevator akala ko ay si Jace na pero isang babae ang lumabas sa elevator, deretsyo siyang lumapit sa office ni at binuksan ang pinto ng makitang walang tao ay sinirado niya ito at tinignan ako.
"Where is Jace?" Tanong nito sakin.
"Hindi pa po siya dumadating." Sagot ko.
"Call him." Utos niya pero hindi ko sinunod kaya kumunot ang noo niya. "Call him!" Sigaw niya.
Dahil sa takot na baka ay manggulo siya dito ay tinawagan ko na lang si Jace, ilang ring pa ang nangyari bago niya ito sinagot.
"What?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Nandito po si ms.. ahm?" Tinignan ko yung babae.
"Stephany!" Sigaw sakin ng babae.
"Sir.. Stephany daw." Sabi ko.
"Okay i'll be there." Yun lang at pinatay na niya ang tawag.
Kumunot ang noo ko, wala pang sampung minuto ay nandito na agad si Jace. Nakangiti ako para sana batiin siya pero hindi man lang niya ako sinulyapan at inaya si Stephany papasok sa kanyang opisina.
"Ano yun?" Tanong ko sa sarili ko.
Umiling iling ako at saka nagsimula na lang sa trabaho ko, ilang oras na ang lumipas ngunit hindi parin lumalabas yung Stephany sa opisina ni Jace. Kaya naman nang mag lunch na ay hinanda ko na ang sarili ko, dahil alam kong sabay kaming kakain ni Jace.
Tumayo na ako nang bumukas ang opisina ni Jace at lumabas silang dalawa.
"We're eating outside, just continue your work." Sabi ni Jace at umalis na sila nung Stephany, naka-hawak pa ang kamay niya sa bewang nung babae.
Huminga ako ng malalim at naupo muli sa aking upuan, wala na akong plano kumain ng lunch dahil di pa naman pala ako nagugutom, magtitipid na lang muna siguro ako.
"Sam lunch na!" Aya ng mga co-workers ko pero umayaw ako.
Pinagpatuloy ko ang trabaho ko hanggang gumabi na at walang bumalik na Jace sa kompanya. Kaya naman ng dumating ang oras na 7pm ay inayos ko na ang gamit ko para sa pag-uwi ko.
Pumara ako ng taxi nang makababa na ako, medyo nahihilo ako ng kaunti dahil siguro sa hindi ko pagkain kanina. Sumakay ako ng taxi nung may dumaan at naka-uwi naman ako sa bahay kompleto pa at walang bawas.
"Sam!" Tawag ni Betong.
"Uy Betong!" Tawag ko din sa kaniya.
"Ginabi ka ah." Sabi niya.
"Madaming trabaho e." Sabi ko.
"Sige Sam, mukhang pagod ka e." Sabi niya. "Goodnight!" Ngumiti siya kaya kita ko ang bungi niya.
Napangiti na lang ako dahil doon, pumasok ako sa apartment ko at nagsaing sabay kain, matapos ko ay pumunta ako sa banyo at naligo, pagkatapos ay saka ako natulog.
KINABUKASAN nandito na naman ako sa trabaho, pero wala ako ngayon sa kompanya dahil inutusan ako ni Jace na bumuli ng balut. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa balot pero nung tinanong ko siya ay pinagalitan niya lang ako kaya naman sinunod ko na lang siya.
Ngayon ay nandito ako sa taxi at pabalik na sa opisina ni Jace. Pagkarating ko ay lakad takbo na ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa kaniyang opisina at binigay ang balut.
"What else?" May kausap si Jace sa telepono at binaba naman agad. "I also want some strawberry, twins strawberry." Dagdag niya.
"Ano!?" Inis na tanong ko, lagpas lunch na at hindi pa ako nakaka-kain. "Baguio pa iyon! Alam mo ba kung gaano kalayo yun!?" Tanong ko.
"Why are you shouting, boss mo ako at ako masusunod, wala akong pakialam kung malayo. Basta i need twins strawberry! Now go kung ayaw mo matanggalan ng trabaho!" Sigaw niya.
Huminga ako ng malalim bago dahan dahan na tumango, lumabas ako ng office niya at kinuha ang bag ko at sumakay ng elevator, naka sabay ko pa si Mark.
"Oh sam, magla-lunch kana?" Tanong niya.
"Hindi, pupunta ako ng baguio." Sagot ko sa kaniya.
"Huh? Anong gagawin mo dun? At alam mo ba ang mga lugar doon?" Sunod sunod na tanong niya.
"Hindi, pero bibili lang naman ako ng strawberry's." Sagot ko.
Nang bumukas ang elevator ay agad akong nagpaalam kay Mark, at lumabas na ako ng kompanya. Nag para ako ng taxi at nagpahatid sa terminal. Pagkarating ko sa terminal ay agad akong bumili ng ticket papunta baguio at naka sakay naman agad ako.
4pm na ako nakarating ng baguio at wala parin akong kain pero pinagpatuloy ko ang paghanap ng strawberry's, nang makahanap ako ay agad akong umuwi. Nakarating ako sa kompanya ay 9pm na, pagkapasok ko sa opisina ni Jace ay wala na siya doon.
Nanghihina akong napa-upo sa visitor's chair ni Jace matapos ilapag ang isang plastic ng strawberry's.
Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako tuloyan na umuwi na sa apartment ko.
SEPTEMBER_AVERY
YOU ARE READING
LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZON
Storie d'amoreHow can you move on to someone who you really love? And how can you love again, when you love someone but it's already dead? Magiging masaya pa ba ako? Makakaya ko pa bang magmahal? -Jace Tuazon