CHAPTER 16

298 11 6
                                    



SAMARAH'S POV:

Sobrang bilis lumipas ng panahon, ngayon ay dalawang buwan na akong buntis at talaga namang malaki na ang tiyan ko at halata na ito pero hindi naman talaga masyado pang halata pero ganun na din.

Ngayon ay napag-isipan kong mag mall dahil maghahanap ako ng mga pwedeng bilhin para sa anak ko, sinabihan din ako ni doc na maaari ko ng malaman kung ano ang gender ng anak ko pero hindi na ako pumayag.

Pero ngayon na dalawang buwan na akong buntis at malaki na ang tiyan ko parang mas gusto ko malaman kung ano ang gender niya o kung okay lang siya sa loob dahil parang hindi ito normal na laki para sa dalawang buwan na buntis.

Habang nagti-titingin ako ng mga gamit pambata kay nakita ko si Sariah sa kabilang stool at nagti-titingin din ng gamit habang hawak ang tiyan na hindi pa kalakihan.

'siguro ay kasama niya si Jace.'

Hindi ko na lamang pinansin at handa ng umalis pero nagulat ako ng may ibang lalaki na lumapit kay Sariah at hinalikan pa ito sa labi.

Agad kong kinuha ang phone ko para makuhaan ng video ang dalawa.

"Naka pili kana?" Tanong ng lalaki kay Sariah.

"Hindi ako maka pili babe e, ang cute nila!" Sabi ni Sariah at tumawa pa.

"Kumusta pala ang pag panggap mo bilang sariah?"

"Ano ka ba, wag mo nga itanong yan dito."

"Wala namang tao."

"Okay naman, hindi naghihinala si Jace tsaka malaki ang bayad sa'kin ng mga tiyahin ng patay na Sariah na yun."

"E yang baby natin?"

"Ang alam niya sa kaniya 'to, pag nakuha na namin ang kailangan namin aalis din ako."

Agad 'kong tinapos ang video at umalis na agad sa store na 'yon at lumabas ng mall.

Pumara ako ng taxi at saka sinabi ang kompanya ni Jace.

'kailangan niyang malaman ang totoo.'

Natagalan ako makarating sa kompanya ni Jace dahil sa traffic ang 30 minutes na byahe papunta dito ay naging isang oras dahil sa traffic.

Pagkarating ko sa opisina ni Jace ay pinagbawalan akong pumasok ng secretarya niya.

"Paki sabi ako ang dati niyang secretarya at may kukunin lang ako sa kaniya." Utos ko at tumango naman ang babae at pumasok sa opisina ni Jace.

Pagkalabas nito ay pinapasok na niya ako, pagkapasok ko sa opisina ni Jace ay nandon ang Sariah na peke at natutulog sa sofa.

"What are you doing here?" Malamig na boses na tanong niya.

"May gusto lang akong sabihin." Sabi ko.

"Bilisan mo, dahil natutulog pa ang fiance ko baka magising siya sa ingay."

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Hindi siya si Sariah." Sabi ko at kumunot naman bigla ang noo niya. "Isa siyang peke na Sariah, ang totoong Sariah ay patay na." Dugtong ko.

"At ano namang kasinungalian ang sinasabi mo!?" Biglang nagising ang peke na Sariah at lumapit kay Jace.

"Hindi ikaw si Sariah, at iyang pinagbubuntis mo ay hindi kay Jace.," Sabi ko.

"What are you talking about Samarah!? Are you insane?!" Nandidilim ang mga mata ni Jace.

"Kung ayaw mong maniwala wala na akong pakealam, basta ang alam ko binabayaran lang ang babaeng yan na magpanggap bilang Sariah dahil may gustong makuha ang pamilya ni Sariah sayo."

"Manahimik ka! Hindi yan totoo!" Sigaw ni Sariah. "Wala kang ebidensiya!"

"Sigurado ka?" Nang-uuyam akong ngumisi sabay taas sa phone ko.

Binigay ko kay Jace ang phone ko at pinanood ang video na kinuhaan ko kanina.

Kumunot ang noo ni Jace at naka-kuyom ang kamao na tinignan si Sariah na ngayon ay nanginginig na sa takot.

"Hindi totoo yan!" Sabi ni Sariah at umatras pa.

"Dalawang buwan mo akong nililiko." Panimula ni Jace at dahan dahan na tumayo.

"Sir nandito po ang parents ni ma'am Sariah." Biglang pumasok ang parents ni Sariah.

"Jace may kailangan kang malaman!" Agad na sigaw ng isang makinis na babae na may katandaan na kasama ang asawa siguro nito.

"Jace hindi 'yan si Sariah, kinulong kami ng mga kamag-anak namin kasabay nun ay ang pag plano nila na maghanap ng pekeng Sariah para makuha nila ang yaman mo matapos ka patayin ng babaeng yan!" Mahabang paliwanag ng babae.

Napatingin ako sa kanila at ngayon lang nila ako napansin dahil biglang namilog ang mga mata nila.

"S-sariah?" Sabi nung lalaki.

"Ah.. hindi po ako si Sariah, Samarah po ang pangalan ko." nagkamot pa ako sa batok.

Parang hindi pa nito narinig ang sinabi ko dahil nilapitan ako nito at hinawakan sa dalawang pisngi.

"Anak, S-sariah ko." Yinakap ako nito habang umiiyak.

"Hindi po ako si Sariah, Samarah po ang pangalan ko." Sabi ko.

"Sariah Mei Samarah, anak ikaw ikaw 'to, daddy buhay ang anak natin!" Sabi pa nito sabay lingon sa asawa.

"H-hindi po talaga ako si Sariah." Lumayo ako sa ginang.

"Jace.. si Sariah siya tignan mo ang tattoo niyo si Sariah yan!" Sabi pa nito at yinakap na ito ng kaniyang asawa.

"Huminahon ka hon." Sabi nito sa asawa.

Kumunot ang noo ko ng dahan dahan na lumapit sa akin si Jace at pinatalikod ako at hinawi ang buhok ko at may tignan sa likod ko, mas lalo akong napa kunot noo ng biglang napalayo sa akin si Jace kaya naman hinarap ko siya pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin at humagulhol sa balikat ko.

"Ano ba j-jace, 'di ako makahinga." Tinulak ko pa siya pero hindi siya natinag.

"I'm sorry, I don't know." Bulong ni Jace.

Napa pikit ako dahil sa biglang pag sakit ng utak ko, para akong iniikot at dinadala sa ibang lugar ng dilim.




"Sumakay ka sariah!" Tinulak niya ako papasok sa sasakyan.

"Tita anong gagawin mo?"

"Papatayin kita, at sisigurohin ko na ang anak ko ang magpapakasal sa Tuazon na yun!" Sabi niya. "Bye bye Sariah." Sabi nito at humalakhak pa.

"Tita ilabas niyo ako dito!" Umiiyak na sigaw ko.

Wala akong nagawa hanggang sa umusad ang sasakyan at isang malakas na pagsabog ang nangyari at naririnig ko na ang mga tunog ng ambulansya at mga pulis at ang mga tao.

"J-jace..."

NAGISING ako isang araw na nasa isa na akong hospital at nakahiga, ramdam kong may nakapaskil sa mga katawan ko.

"Antonio gising na siya." Isang boses ng babae ang narinig ko.

"Anak.. Samarah." Tinig ng lalaki.

'Samarah.. Iyon ba ang pangalan ko?'

"Na'saan po ako?" Mahina ang boses na tanong ko.

"Nandito tayo sa hospital anak, kailangan mo magpagaling." Sabi ng babae.

"S-sino po kayo? B-bakit wala akong malala?"

"Antonio." Tawag nito sa lalaki.

"May pagsabog kasi na na ganap sa kalsada at nadamay ka anak, sorry at wala si tatay doon." Sabi ng lalaki.

'Kung ganun sila ang magulang ko.'

Pumikit akong muli at natulog.

'bakit parang may kulang.. parang ang sakit ng puso.'












SEPTEMBER_AVERY

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZONWhere stories live. Discover now