CHAPTER 2

566 15 0
                                    




SAMARAH'S POV:


"Hi aling Beth." Bati ko dito dahil siya ang bantay sa karenderya. "Bakit ikaw po ang bantay? Asan si Betong?" Tanong ko.

"Ayon sa tatay niya! Bakit?" Tinaasan niya ako nang isang kilay niya na drawing.

"Hehe wala naman po." Sagot ko. Sayang walang libreng ulam.

"Naku ha Sam! Alam ko na yang mga ganiyan mo!" Pumaypay siya.

"Po?" Tanong ko kunwaring walang alam.

"Kaya mo hinahanap si Betong si may gusto ka sa kaniya noh!" Tinuro niya pa ako.

Halos mapaubo ako dahil sa sinabi niya, anong tingin niya sakin walang taste?

"Isang menudo po." Turo ko sa menudo.

"Lista ba?" Tanong niya.

"May bente po ako dito oh." Sabi ko.

Binigay niya sakin ang menudo na nasa supot kaya binigay ko din sa kaniya ang bente ko.

"Yung utang-"

"Bye aling beth!" Nakalabas na ako nang karenderya nila.

Agad akong pumasok sa bahay at kumain dahil maaga pa ako bukas. Ilang araw na din akong nagtatrabaho doon sa Tuazon corp. Kaya naman medyo nasasanay na akong magising nang umaga. Madali naman ang naging trabaho ko doon dahil binibigay ko lang angga schedule ni sir tapos sasamahan siya sa mga kung saan saan na meeting kaya tuwang tuwa ako dahil nakakapasok ako sa mga mamahalin na restaurant.

Kung pag-uusapan naman ang sa ugali ni sir Jace ay hmm.. ano ba ugali nun?. Medyo malamig siya sa mga meeting niya lagi tapos walang emosyon, para siyang patay na gwapo.

Hindi din siya pala-salita siguro kung hindi ko lang siya kilala ay baka isipin ko na may sakit siya sa bibig o kaya ay pipi siya. Pasalamat talaga siya at gwapo siya.

Ngayon ay araw nang byernes at nandoon si sir sa kaniyang bahay kaya naman doon ako pupunta, sinabi niya kasi kanina na doon ako sa bahay niya pumunta dahil baka mag work at home siya.

Matapos kong kumain ay nahugas na ako at saka ako pumunta sa kwarto at saka natulog para ihanda ang sarili sa trabaho bukas.



NAGISING ako dahil sa ingay nang phone ko na nasa bedside table nang kama, nakapikit kong hinagilap ang phone ko at saka sinagot iyon nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hello? Alam mo bang isturbo ka sa tulog ko? Sino ka ba? Natutulog yung tao e-" natigil ako sa pagsalita dahil may umubo sa kabilang linya.

At hindi pa yun dahil sumunod sunod pa yun na parang may sakit. Agad akong napa-bangon at tinignan kung sino ang tumawag at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang pangalan ni sir Jace.

"Sir!" Gulat ko na sabi.

["Can you get here?"] Paos ang boses na tanong niya.

"May sakit ka ba sir?" Tanong ko pero namatay ang tawag. "Shit naman oh!"

Dali dali akong bumangon at saka ako dumeretsyo sa banyo para maligo at magbihis na rin, pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at saka ang phone ko bago lumabas, pagkalabas ko ay yumakap sakin ang malamig na simoy nang hating gabi, tinignan ko ang oras sa phone ko at halos maiyak nang makita kong 2am palang nang umaga.

Sana ay may masasakyan pa na dumaan ngayon at laking pasalamat ko naman dahil may isang taxi na napadaan dito kaya agad akong sumakay at sinabi ang address ni sir.

Pagkarating ko sa village ay agad akong tinignan nang guard at nang makilala ay pinapasok na agad ako, lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating agad doon, lahat nang bahay dito sa village ay mala palasyo at parang nagpapabunggahan sa yaman. Pero kapansin-pansin na parang kaunti lang sila dito siguro ay 17 or 18 ang bahay dito? Hindi ko alam.

Pagkarating ko sa bahay ni sir ay agad akong pumasok hindi na ako nag doorbell o kaya kumatok, agad akong dumeretsyo sa taas at kwarto niya. Kumatok ako sa pinto nang kwarto niya at nang marinig ang pag-ubo niya ay pumasok na ako.

"Sir!" Dali dali akong lumapit sa kaniya.

Napulupot sa kaniya ang makapal na kumot at nanginginig ang katawan niya, hinawakan ko siya sa noo pero agad din binawi dahil para akong napapaso sa sobra niyang init.

"Sir naman! Ano ba kasi ang ginawa mo at nagkalagnat ka! Naisturbo mo pa ang tulog ko, hyst." Reklamo ko habang pumapasok sa banyo nang kwarto niya.

Naghanap ako nang maliit na palanggana at saka ako naghanap nang bimpo at nang may makita ay agad akong lumapit sa kaniya habang may dala dalang tubig at saka ko nilagay iyon sa bedside table.

"Papatayin ko ang aircon sir ah." Paalam ko at tumango lang siya.

Pinatay ko ang aircon at saka ko naman hinawi ang kumot niya. "Sir makakapag-hubad ka ba? Pupunasan kita." Sabi ko.

Tinulongan ko siyang maupo sa kama at saka ko siya tinulongan mahubad ang pang-itaas niya at saka siya ulit nahiga sa kama, dala siguro nang panghihina. Tumambad naman sakin ang mga pandesal.

Sinumulan ko siyang punasan sa mukha hanggang sa leeg, braso, dibdib, tiyan-tsansing hehe.

Pagkatapos ko siyang punasan ay kinumotan ko na siya pero hindi binihisan, dahil mamaya ay pupunasan ko ulit siya para makasigurado na mababawasan ang init niya. Bumalik ako sa kama niya.

"Uminom kana ba nang gamot?" Tanong ko at umiling siya. "Diyan ka lang." Utos ko sa kaniya at bumaba.

Pumunta ako sa kusina at saka ako nagluto nang sopas para naman may makain siya bago uminom nang gamot. Makalipas ang ilang oras ay pinapakain ko na siya ngayon.

"Mainit?" Tanong ko dahil bigla niyang binuka ang bibig niya at tumango naman siya. "Sorry hihi." Sabi ko at sinamaan niya ako nang tingin.

Hinipan ko ang sopas sa kutsara at saka ko dahan dahan na sinubo sa kaniya na agad naman niyang kinain hanggang sa matapos siya kaya naman pina-inom ko na siya nang gamot at saka ko binalik sa kusina ang pinagkainan niya at hinugasan na din at saka ako bumalik sa kwarto niya.

Pagkarating ko ay mahimbing na siyang natutulog kaya naman umupo ako doon sa maliit na upuan na nasa gilid nang kama niya at tinitigan siya habang natutulog.

"Sariah." Bulong niya, nananaginip atah siya.

"S-sariah.." dugtong niya pa.

Parang may pumiga sa puso ko nang makita ang mga butil nang luha sa kaniyang gilid nang mata na naguunahan mahulog. Minsan ko nang narinig ang pangalan na Sariah galing sa kaniya, at alam kong may malungkot na nakaraan si Jace sa kaniya.

Napaka-swerte mo Sariah..


NAALIMPUNGATAN ako dahil parang may humahaplos sa buhok ko, kaya naman dahan dahan ko nang minulat ang mga mata ko at saka naman tumama sa mata ko ang liwanag na nanggagaling sa veranda.

Umupo ako nang ayos at nakaramdam nang sakit sa leeg pero binaliwala ko iyon, tinignan ko si Sir na ngayon ay gising na pala.

"Maayos kana ba?" Tanong ko at nilagay ang palad ko sa noo niya. "Hindi kana mainit pero uminom ka parin nang gamot." Sabi ko.

"I can handle." Sabi niya.

Tutulongan ko pa sana siyang makatayo sa kama at bigla kong naisip na hindi naman pala siya baldado kaya bakit ko pa siya tutulongan?

"I'll take a shower, magpahinga ka na muna." Sabi niya kaya tumango ako.

Pagkapasok niya sa banyo ay saka ako lumapit sa sofa at nahiga na doon, dala nang antok at sakit nang katawan ay agad akong nakatulog.




















SEPTEMBER_AVERY

LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZONWhere stories live. Discover now