SAMARAH'S POV:
Isang buwan, isang buwan na ang nakakalipas at sobrang dali ng panahon parang tumambling lang yung panahon. Natutuwa ako dahil malapit na ang sahodan pero naiiyak din at the same time dahil magbabayad na naman ako sa apartment, gusto kong umiyak pero wag na lang kasi maganda ako.
Anong connect? Wala.
Kung tatanongin kung ano ang mga nangyari nang mga dumaan na araw ay hindi ko alam ayuko mag-kwento. Pero ganto talaga yun.
Sa isang buwan na lumipas ay walang tigil sa kakabigay sakin ng roses ang kung sino man, nung una syempre nakaka-kilig pero ngayon ang creepy niya na. Hindi naman ako patay para bigyan nang bulaklak, tsaka wala ba siyang plano magpakilala sakin? Siguro panget siya, kasing panget ni Betong hehe.
Sorry Betong, nadamay na naman kita.. hayaan mo sa susunod aaraw-arawin ko na.
Balik tayo doon sa rosas so ayon nga e wala parin siyang tigil naiinis na ako dahil napupuno na ang sala ko sa apartment dahil sa mga rosas na yan. Pagpasok mo nga sa apartment ko ay bulaklak na agad ang bungad sayo, napapagalitan na tuloy ako ni Aling Beth. Keso ano daw gagawin ko sa mga yun, kung magtatayo daw ako ng flower shop.
Kung ang sa boss ko naman hello, ayon oh-so-yummy-hot-handsome pari ang peg ni Sir Jace. Medyo nagiging close na din kami, crush ko na nga yun e-i mean gusto na hehe. Bukod sa pagiging close na namin ni Sir ay isang araw dinala niya ako sa sementeryo at tinanong ko kung anong gagawin namin doon tapos ang sagot niya.
"Ililibing na kita."
Nakakatuwa? Umiyak pa ako doon dahil sa sinabi niya akala ko talaga ililibing niya na ako doon. Syempre umiyak ako kasi hindi ko na makikita ang dalawang ngipin ni Betong.
Pero agad din akong kumalma nang narating namin ang pakay ni sir, kaya pala may dala siyang tatlong rosas noon dahil nandun nakalibing ang tatlong mahahalaga sa buhay niya. Mommy, Daddy at yung girlfriend niya. Grabe naiyak talaga doon.
Pinakilala ako ni Sir sa magulang niya pati sa girlfriend niya, pero nakaramdam ako ng kunting selos nun kasi diba kahit patay na yung tao mahal na mahal niya parin. Grabe siguro ang mga pinagsamahan nila kaya ganun, samantalang ako walang ka-alam alam sa mga pagmamahal na yan, bwesit lang yan e.
Bukod sa mga nakikita at naririnig ko ay masakit daw iyon pero naniniwala naman ako na kapag hindi ka nasaktan hindi yun pagmamahal, loving can hurts nga daw sabi ni Bruno Mars...wait.. sino bruno mars ba kumanta non? Mali haha bobo niyo kasi.
So ayon na nga pagkatapos namin doon ay saka naman kami bumalik sa opisina na para bang walang nangyari tapos balik naman sa mga meeting na para bang hindi kami galing sa mga taong mahal na mahal niya buong buhay niya.
At ngayon? Ito ang eksena ko sa buhay, tulala sa mesa ko dahil kakatapos ko lang kumain at wala na din akong trabaho dahil natapos ko na, kaya naghihintay na lang ako sa iuutos ni sir kung ano man iyon.
"Puke!" Bulyaw ko nang biglang tumunog ang telepono sa mesa ko. "Tuazon Corp how can i help you?" Tanong ko sa kabilang linya.
["Can i speak to Jace."] Babae? Okay babae.
"Wait a minute madam." Sabi ko at saka ako tumayo at pumasok sa office ni Sir.
"What?" Tanong niya habang walang boses na lumabas.
"May gusto kumausap sayo." Bulong ko sabay turo sa telepono na nasa tenga ko.
"Sabihin mo wala." Sabi niya pa kaya tumango tango ako.
YOU ARE READING
LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZON
RomanceHow can you move on to someone who you really love? And how can you love again, when you love someone but it's already dead? Magiging masaya pa ba ako? Makakaya ko pa bang magmahal? -Jace Tuazon