SAMARAH'S POV:
Lumipas ang ilang weeks ay naging maayos na din ang pakiramdam ko, nagka lagnat kasi ako matapos nung milagrong ginawa namin ni Jace sa bahay, pagkatapos nun ay dinala niya ako sa bahay niya para daw maalagan niya ako at doon nga ako nag stay nang ilang weeks, umuwi na din ako sa apartment ko kahapon ko lang dahil papagalitan na naman ako ni Aling beth, at sayang din ang pagbayad ko ng renta kung hindi din naman ako mag i-stay doon.
Ngayon nandito ako sa kompanya malamang dahil nagta-trabaho ako, malapit na din kasi ang bayaran ng tubig at kuryente tamo mamaya tatawag si Aling beth tapos magpapa alala na naman siya na malapit na ang bayaran.
And speaking of Aling Beth tumunog na nga ang mahiwaga kung selpon, hyst.
"Malapit na ang bayaran ng tubig, baka gusto mo mag bigay na agad para hindi na kita singilin sa bayaran! Abah! Napakahirap mo pa naman singilin! Kung ano ano nirarason mo!-"
"The number that you dialled is now on attended please don't call again." Paulit ulit ko iyon na sinabi at pinatay ang tawag.
Oh diba bunganga na naman ni Aling Beth ang nagpasira sa hapon ko, grabe talaga ang matandang iyon. Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko pero bahala na, basta napatay ko yung tawag hehe.
"Sam i want coffee please." Boses ni Jace sa intercome.
"Bakit hindi ka magtimpla ng sarili mo?" Tanong ko dito.
"Who's the boss here?" Tanong niya pa. Boss ko pala siya hehe.
"Ay sorry hehe nakalimutan ko, right away sir mwuah!" Tumawa ako ng mahina.
Paalis na ako sa upuan ko ng marinig ko ulit ang kaniyang boses sa intercome.
"Can you repeat it." Sabi niya.
"Sir?" Tanong ko.
"The kiss." Sabi niya pa.
Lumingon ako sa kaniya sa loob ng office niya at nagtama ang tingin namin, salamin ang nakapalibot sa wall ng office niya kaya nakikita niya ako dito sa labas.
Ngumiti ako at saka nag flying kiss sa kaniya. "Abusado ka ah." Sabi ko.
Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot dahil agad na akong umalis para ipagtimpla siya ng mahiwagang kape na may gayuma-char! Pagkatapos kong magtimpla ay agad akong pumunta sa office ni Jace at kumatok ng dalawang beses bago pumasok.
"Oh kape mo." Sabi ko at nilapag ang kape niya.
"Thank you." Sabi niya.
"Labas na ako." Paalam ko at tumango naman siya.
Bumalik ako sa table ko at ginawa ang trabaho ko, pagkalipas ng ilang oras ay tumunog ang phone ko pahiwatig na magkaka-pera na ako charing. May text messages galing sa hindi ko kilalang number.
From: 09829******
Pagod ka na bang magtrabaho, pwes meron akong tips para sayo kung pano magkapera ng walang ginagawa! Click mo na ang link!
Yan ang messages tapos may link pa sa baba, at syempre dahil ubod ako ng katangahan at perang pera na ako, binuksan ko ang link.
"Ay potangina!" Hiyaw ko sa gulat.
Pagbukas ko ng link ay iba ang lumabas, imbes na tips ay bold ang lumabas. Gago yun nauto ako!
Binalik ko sa bag ang phone ko at pinagpatuloy na ang pagta-trabaho, sana magbigay na ng sweldo dahil kapos na ako. What if mangutang na lang ako kay Jace?
YOU ARE READING
LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZON
RomanceHow can you move on to someone who you really love? And how can you love again, when you love someone but it's already dead? Magiging masaya pa ba ako? Makakaya ko pa bang magmahal? -Jace Tuazon