CHAPTER 4

498 17 6
                                    







SAMARAH'S POV:




"Hi aling beth na maganda!" Bati ko dito pagkababa ko sa taxi.


Nasa harap na naman kasi siya ng apartment ko habang nagpapaypay at nakapa-mengwang.


"Pang-uuto na lang ba Sam ang alam mo?" Tanong niya.

"Nang-uuto ba ako aling Beth? E sadyang maganda ka lang." Ngumiti ako ng matamis.

"Mag-bayad kana! Abah! Katapusan na ah!" Sabi niya pa.

"Aling Beth kasi wala pang sweldo, bukas ko pa makukuha." Nagkamot ako sa batok.

"Abah Sam! Namumuro kana ah! Baka paailisin kita dito!" Sabi niya at tinaas ang drawing niyang kilay.

"Ma!" Biglang dating ni Betong. 'Hyst salamat savior.'

"Oh ano?" Tanong nito sa anak na bungi.

"Tawag ka ni papa hihihi." Sabi nito at humagikhik pa.

"Yang papa mo adik sa iyot!" Sabi nito at nagmamadaling umalis.

"Kadiri yang nanay mo." Bulong ko kay Betong.

"Normal lang naman sa mag-asawa ang mag iyot ah." Sabi pa ni Betong sabay ngiti kaya kita ko ang dalawang ngipin niya sa taas.

"Oh e bakit nandito ka?" Tanong ko.

"May nagpapabigay nito oh." Binigay niya sakin ang tatlong tangkay ng rose.

"Sino nagpapabigay?" Tanong ko.

"Nakakotse, halatang big-time! Ikaw ah pinagpapalit mo na ako." Ngumuso pa ito.

"Aw ang aso ko nagtatampo." Kunwaring pang-aamo ko sa kaniya.

"Anong aso?" Tanong niya.

"Aso ba ang sinabi ko? Sabi ko gwapo hindi aso, bungi kana nga bingi ka pa." Sabi ko.

"Nakakarami kana Sam ah." Sabi niya at nagkamot sa batok.

"Hehe, truth hurts ika nga nila." Sabi ko.

"Sige na Sam! Wala kasing bantay sa karenderya." Paalam niya at umalis na.



Pumasok ako sa aparment at umupo sa sofa habang hawak hawak ang tatlong tangkay ng rose. Hinanap ko kung may letter ba pero wala kaya naman nilagay ko na lang doon sa vase ko na ang nakalagay ay peke na bulaklak. Inalis ko ang mga pekeng bulaklak doon at saka ko pinakit ang tatlong rose at saka ko nilagyan ng tubig para naman tumagal bago mabulok.

Pagtapos ko ay saka naman ako pumasok sa kwarto para gawin ang gawain ko ngayong gabi yun ay ang maligo, kumain at matulog. Dahil bukas ay maaga na naman ako para sa trabaho, minsan ay nakakapagod na pero kailangan magtiis dahil kung hindi saan ako pupulutin? Sa kalye.

"Hi Betong.." bati ko dito pagkapasok ko sa karenderya nila.

"Hi Sam! Ahihihi." Bati niya pabalik sabay kilig.

"Isang afrida Betong." Pinalambot ko pa ang boses ko.

"Sige." Sabi niya at saka sumandok.

"Ito bayad ko." Sabi ko pero tinanggi niya.

"Libre ko na toh Sam." Sabi niya at kumindat si bungi. Mission complete.

"Salamat Betong, hulog ka talaga ng langit." Sabi ko at kinindatan siya at umalis na.


Hinulog siya kasi bawal daw panget doon.


LOVING THIS MAN NAMED JACE TUAZONWhere stories live. Discover now