Zandrick De Zaio’s POV***NAPILITAN akong pumunta sa bahay ni Lolo. He's asking the three of us; Edrin, Murzhel and me na pumunta sa bahay niya, because of some sort of announcement. Ewan ko kung ano na naman ang trip niya sa buhay.
“Kuya, mukhang bad mood ka yata?” my brother— Edrin asked.
Sinong hindi? Naudlot ang babe time namin ni Tamara! I would rather be at home cuddling with her than going here.
“Don’t mind me.”
“O—okay?” Si Edrin, looking clueless.
“Nandiyan na pala kayo, Mga Apo!” Lolo Zandro greeted us happily.
Ano kayang nakain nito? At ganito siya kasaya ngayon?
“Hindi makakapunta si Murzhel—something came up. She'll be a special guest to a concert. Alam niyo naman na pangarap iyon ng kapatid niyo.”
“Cut the crap, Lo. Why are we here?” Wala akong baon na mahabang pasensiya ngayon.
“Since you're going to marry, Tamara—”
“Granny?! Anong Tamara?! Talong po ang nais ko! I won't marry someone with a peanut!?” Edrin said, with a horrible look on his face.
“Hindi ikaw, Edrin— Apo. Ang kuya mo.”
“Oh my gosh! Wews.”
Kumalma si Edrin. Assuming naman masyado. Ako ang papakasalan ni Tamara. Hindi ibang lalaki at lalo na hindi sa pusong-babae.
Tanggap ko si Edrin sa desisyon niya. As long as he's happy with it at wala siyang inaapakang tao.
“Going back, since you're marrying Tamara. Gusto kong mag-announce ng engagement party sa susunod na buwan,” Lolo said.
He was now sitting on the sofa, with a smile plastered on his face.
“Yeah, and after 5 months magpapakasal na kami,” gatong ko pa.
Humalakhak si Lolo. Napangiwi naman si Edrin sa tabi ko.
“What?” I asked them.
“Zandrick— Apo. I am thinking that you two will be getting married after a year. Pero dahil atat ka, sige pagbibigyan kita. You'll be marrying her in the next 5 months then.”
Ampucha! Hindi naman siguro ako nagtunog nagmamadaling matali, hindi ba?
“Hindi, Lo. Payag ako next year.”
Pero sana hindi siya pumayag at ipilit niyang sa susunod na limang buwan na lang.
“Sigurado ka, Apo?” he asked, smirking.
Ampucha! Siyempre hindi! Gusto ko sa susunod na limang buwan or better yet next month na lang. Don't get me wrong, bakit pa papatagalin? Doon din naman ang punta naming dalawa ni Tamara.
“No, next 5 months na lang siguro. Busy na ako sa kompanya, Lo. Dapat mapadali ang kasal para makapag-focus ako sa pag-manage ng kompanya.”
“When can I meet my sister in law?” sulpot ni Edrin.
“Bukas na siguro. Pagod si Tamara,” agad na sagot ko.
“Aww, sayang naman.” He pouted. Halata sa mukha na gustong-gusto na niyang makilala si Tamara.
“I’ll call you tomorrow. By the way, how's school?”
“Okay lang naman, Kuya. Daming gwapo, but acads is lifer. Kaya don't worry. Ang hirap pag-aralan ang med, pero kakayanin.”