Chapter 6

941 48 15
                                    


Tamara Dilumaque's POV***


NANG marinig ni Zandrick ang boses na iyon ay agad siyang napatayo at sumunod na rin ako. Medyo hinapuhap ko pa ang nasaktan kong balakang.

"Wala ka talagang pinapalampas, Zandrick. Pati ba naman ang walang kamuwang-muwang na si Tamara ay dinamay mo pa sa mga kalokohan mo? Pwes! Huwag ka nang maghanap ng mapapangasawa! Si Tamara na ang ipapakasal ko sa iyo," galit na wika ni Lolo Zandro, habang papalapit siya sa pwesto namin ni Zandrick.

Napayuko lang ako rito. Hindi pag-aasawa ang ipinunta ko sa rito sa siyudad, kundi paghahanap ng trabaho, upang maipagamot ang amang ko.

"Tamara, ayos lang ba iyon sa 'yo?" baling sa akin ni Lolo Zandro.

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Lolo Zandro.

"Tamara, naiintindihan ko. Pero sana naman i-consider mo ang pagpapakasal sa barumbadong apo ko," anito.

"What?! Lo, naman! Ipapakasal mo ako sa isang hamak na probinsiyana at janitress natin dito? Are you out of your mind?" nakasigaw na sabi ni Zandrick.

Galit na galit na rin siya. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako sa kanya, dahil ayaw niya ring magpakasal. O, masasaktan? Kasi grabe siya kung makapang-lait sa akin.

"Your mouth, Zandrick! Sumusobra ka na talaga. Anong masama sa pagiging janitress? Alam mo bang mas proud pa ako sa kanya, kaysa sa iyo?"

Lumambot ang mukha ni Zandrick. "Proud?" umismid siya. "Proud ka sa kanya? Pero sa sarili mong apo, hindi? All my life, ginawa ko ang lahat para maging proud ka rin sa akin, Lo. I manage your company simula nang mamatay sina mama at papa.  Kahit ayaw ko, pinilit ko... Kahit hindi ito ang gusto kong gawin, pinilit ko, maging proud ka lang sa 'kin... Pero bakit ganun? Ang babaeng 'yan? Ilang araw mo lang yata nakilala 'yan. Tapos proud ka na sa kanya? Ang galing!"

Lumambot na rin ang ekspresyon ni Lolo Zandro. "Apo, sana naman maintindihan mo ako," mahinahon niyang sabi.

"Ako, Lo? Inintindi mo ba ako?" sagot ni Zandrick.

Hindi na ako nakisali pa sa kanila. Dapat nga ay umalis na ako rito. Pero mas pinili kong makinig sa kanila. Gusto kong magkaayos na silang mag-lolo.

"Apo, ginagagawa ko ang lahat ng ito para din sa ikinabubuti mo. Kapag nawala na ako sa mundong ito, payapa akong makakapunta sa paroroonan ko, dahil alam kong nasa mabuting kalagayan ka na," paliwanag ni Lolo Zandro.

Tinapik-tapik nito ang balikat ng nakayukong si Zandrick.

"I-I'll marry her, then," pagsuko na lamang ni Zandrick sa kanyang lolo. Mahal niya talaga si Lolo Zandro. Kasi hindi naman siya mapipilitang magpakasal sa isang kagaya kong probinsiyana lang.

"Good decision, Zandrick, apo," nakangiting sabi ni Lolo Zandro. 

Pagkatapos sabihin iyon ni Lolo Zandro ay umalis naman siya kaagad. Naiwan kaming dalawa ni Zandrick sa loob ng opisina niya. Aalis na rin sana ako, nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko.

"...At saan ka pupunta?" tanong niya, nakakunot na rin ang kanyang noo.

"L-lalabas lang po ako, Sir Zandrick," sagot ko sa kanya. Medyo nanginginig pa ako. Baka sa akin niya ibaling ang galit niya. Natatakot ako.

"Mag-uusap tayo," seryosong wika niya.

"A-ano po ang pag-uusapan natin?"

"Don't be naïve. Alam kong alam mo ang pag-uusapan natin."

His Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon