ILANG years na ring hindi nakapag-update sa HNG and other stories. Itutuloy ko na po ito. Hahaha. Thank you sa mga positive feedbacks niyo. And thank you rin sa pagbabasa! Love you all, Vevies! 😘~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tamara Dilumaque’s POV***
MAAGA ngang umuwi si Zandrick. Wala kami masyadong ginawa kundi ang mag-cellphone nang mag-cellphone dahil tinuturuan niya akong gumamit ng cellphone na ibinigay niya. Sa una ay nahirapan nga ako. Mabuti na lang at matiyaga siya sa pagtuturo.
"You're a fast learner, Sweetheart," nakangiti niyang sabi.
"Magaling din kasi ikaw magturo, kaya madali ko ring natutunan."
Nang matuto na ako ay hindi na ako nag-aksaya ng oras sa pagtawag sa kanila ni Amang at Inang. Unang pagtunog pa lang ay agad na nilang sinagot ang aking tawag.
"Anak, kumusta ka na diyan? Mabait ba ang amo mo riyan?" bungad na tanong ni Amang.
Naluluha ako habang pinapakinggan ang boses niyang nanghihina.
Sinikap kong pasiglahin ang boses ko, upang hindi nila mahalatang nalulungkot ako. Siguradong mag-aalala lamang ang mga iyon sa akin.
"Mababait naman po sila, Amang." Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa pagpapakasal ko sa anak ng aking amo. Siguradong hindi sila pabor sa aking ginagawa ngayon.
Pero para rin naman sa kanila ang lahat ng ginagawa ko. At saka parang hindi na ako napipilitan na lamang. Natural na sa akin ang mga ginagawa ko.
Pinagmasdan ko si Zandrick na nagluluto ngayon ng tanghalian namin. Nakatalikod siya sa gawin ko. Mabilis ang kanyang galaw.
"Hello, Anak? Nariyan ka pa ba?"
"Ahh, o-opo, Amang."
“Sweetheart, can you handle me the ketchup?”
“S—sandali lang, Zandrick,” nag-papanic na sagot ko, pagkatapos pindotin ang mute button.
“Anak, sino ‘yon?” tanong ni Amang sa kabilang linya.
Napapikit ako sa kaba. Anong isasagot ko kay Amang? Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa sitwasyon namin ni Zandrick. Tiyak mag-aalala iyon sa akin. Natatakot din akong ipaalam ito sa kanila. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Amang.
“M—matandang amo ko ho iyon, Amang. Ganoon lang talaga siya sa aming lahat. Sweetheart lang po talaga ang tawag niyang lahat sa amin dito.”
“Ganoon ba? Mabuti naman at maayos ka diyan. Nabawasan ang pag-aalala ko sa iyo. P—pasensiya ka na, anak, ha? Ako dapat ang nagta-trabaho para sa pamilya natin. Hindi ako itong pabigat.”
“Amang naman... Huwag naman po kayong magsalita nang ganyan. Buong buhay ko, ikaw ang nagsakripisyo ng lahat... Nagkasakit ka na nga dahil doon. Ako naman po muna, Amang... Maayos po ako. Huwag po kayong mag-alala.”
“Sige, anak. Mag-iingat ka diyan. Mahal na mahal ka namin ng Inang mo.”
“Mahal na mahal ko rin po kayo...”
Matapos ang tawag ay ibinaba ko na rin ang cellphone. Nang maalala ang utos ni Zandrick ay agad kong kinuha ang ketchup at ibinigay sa kanya.
Napakagat ako sa aking labi nang hindi niya iyon tanggapin. Nabitin sa ere ang kamay kong may hawak na bote ng ketchup.